ITATAAS ng Department of Trade and Industry (DTI) ang safeguard duty para sa imported na semento ngayong 2021 para sa ikalawang taon ng pagpapatupad ng trade remedy.
Ayon kay DTI-Bureau of Import Services director Luis Catibayan, ang safeguard duty ngayong taon ay tina-target sa P9.80 per 40-kilogram bag ng semento, mas mataas sa naunang rekomendasyon na P9 per 40-kg bag.
Sinabi rin ni DTI Secretary Ramon Lopez na inaprubahan na niya ang bagong rate ng safeguard measure para sa cement imports.
Ito ay makaraang humiling ang local cement industry ng mas mataas na safeguard duty dahil sa pagbaha ng imported cement sa kabila ng pagpapatupad ng P10-safeguard duty sa unang taon ng trade remedy.
Noong 2019 ay nagpatupad ang DTI ng definitive safeguard duty sa imported cement sa loob ng tatlong taon.
Ipinatupad ang P10-safeguard duty per 40-kg bag ng imported cement sa unang taon ng safeguard measure upang masolusyunan ang matinding pinsala sa domestic industry.
Ang safeguard duty ay dapat na nasa P9 per 40-kg bag ng semento para sa ikalawang taon at P8 per 40-kg bag para sa ikatlong taon. Gayunman, ang rekomendasyon na ito ay isasailalim sa annual review.
“But under the WTO (World Trade Organization), under the law, we cannot increase the duty,” sabi ni Catibayan. “There is a requirement to progressively liberalize the duty.”
Idinagdag niya na para matugunan ang panawagan ng domestic cement manufacturers na hindi susuway sa WTO rules, target ng DTI na mapababa ang safeguard duty ng 20 centavos lamang mula sa P10-safeguard duty sa inisyal na pagpapatupad ng trade remedy.
Comments are closed.