SAFETY AND SECURITY NG MEDIA PRAYORIDAD NG PNP

PNP Spokes­person Senior Superintendent Bernard Banac 

MATAPOS ang isa na namang kaso ng pagpatay sa Butuan City, tahasang inihayag ng Philippine National Police (PNP) na importante ang seguridad at kaligtasan ng mga miyembro ng media.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, dapat lang na maging prayoridad ang safety and security ng bawat kasapi ng media.

Sa report na tinanggap ng Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco  ay napag- alamang pinagsasaksak hanggang mamatay ang radio commentator na nakilalang si Francisco Patindol.

Bilang patunay ng PNP ang ginawang pag­lulunsad ng Task Force Media Security sa Kampo Crame noong Abril 10, 2019 na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga miyembro ng media na posibleng maging target ngayong halalan.

Ayon kay Banac, nasa 21 personnel mula sa PNP Police Security and Protection ang itinalaga sa nasabing sangay ng Office of the President na pina­ngungunahan ni Egco.

Una nang inihayag ni Egco na tuwing election period ay nagiging peligroso ito sa hanay ng mga mamamahayag at batay ito sa hawak nilang datos. VERLIN RUIZ  

Comments are closed.