MAYNILA – NAGLABAS na ng mga safety guidelines ang Maritime Industry Authority (MARINA) kasama ang buong sektor ng maritime sa mga pasahero ng barko upang maging ligtas at mas komportable ang kanilang paglalayag higit lalo ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa MARINA, laging isaisip ang “10 M’s” para sa kaligtasan ng lahat.
Ang mga sumusunod ay magtanong kung ilan ang kapasidad ng barko, maglaan ng oras para makapirma sa passenger list, manuod ng safety demonstration, manatiling nakaupo sa buong biyahe, magsuot ng life vest para sa kaligtasan, maglaan ng espasyo para madaanan sa loob ng barko, maging alerto at alamin kung saan ang emergency exit, manatiling mapagmatyag sa mga awtoridad ng barko, manghingi ng tulong kung kinakailangan, at makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa barko.
Inilabas ng MARINA ang 10 mahalagang paalala kasunod na rin ng sunod-sunod na serye ng pag-ulan at sama ng panahon sa karagatan.
Hinimok na rin ng ahensiya ang publiko na liban sa pagsunod ay isumbong rin sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang tao o mga paglabag na makikita sa mga barkong naglalayag. PAUL ROLDAN
Comments are closed.