BILANG bahagi ng pagtuturo sa mga bata ng road safety, naglunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang children’s road safety park sa Maynila.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, importante na maturuan ang mga bata ng disiplina lalong-lalo na sa Metro Manila dahil sa sila ay nakakapagtala ng may 300 na aksidente kada araw.
“Road safety would also help in decongesting traffic in the future”, ayon kay Lim.
Pahayag pa ni Lima na ang kanilang itinayong road safety park ay matatagpuan sa Malate district na may 3 new canopy areas at mga tanim na halaman sa paligid.
Dagdag pa ni Lim na kanilang inaasahan na sila ay makapagtayo pa ng children’s road safety parks sa ibang lugar.
Subalit dahil na rin sa kakulangan ng funds ng kanilang ahensiya ay gumawa ng isang mobile road safety vehicles sa tulong ng mga pribadong indibidwal. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.