SAFETY ROAD PARK PARA SA KABATAAN

BILANG bahagi na maturuan ang mga bata ng road safety, nag­lunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang children’s road safety park sa  Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, importante na maturuan ang mga bata ng disiplina  lalo na sa Metro Manila dahil sa ito ang nakapagtala ng 300 na aksidente kada araw.

“Road safety would also help in decongesting traffic in the future”, ayon kay Lim.

Pahayag pa ni Lim na ang kanilang itinayong road safety park ay matatagpuan sa Malate district na may 3 new canopy areas at mga tanim na halaman sa paligid.

Dagdag pa ni Lim na umaasa rin sila na makapagtayo pa ng children’s road safety parks sa ibang lugar.

Subalit, dahil na rin sa kakulangan ng pondo ng kanilang ahensya ay gumawa ng isang mobile road safety vehicles sa tulong ng mga pribadong indibiduwal. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.