(Ni CT SARIGUMBA)
PASUKAN na. Bukod nga naman sa mga masustansiyang pagkaing ihahanda at ipababaon natin sa ating mga tsikiting, ang pagpapanatiling safe sila sa kahit na anong sandali ang isa pa sa gus-to nating matiyak.
Mahirap nga naman na mawalay sa ating paningin ang mga anak. Hindi tayo napapalagay.
Kinakabahan tayo. Maya’t maya nating iniisip kung kumusta na sila, kung anong ginagawa nila at kung okey ba sila.
Natural lang din naman sa ating mga nanay ang mag-alala sa ating anak lalo na’t napakaraming nangyayaring hindi maganda sa paligid. At upang mapanatiling ligtas ang ating mga anak sa kahit na anong panahon—nasa eskuwelahan man, kalsada o kung saan pa man, narito ang ilan sa tips na dapat nating ipaalala sa kanila:
MAGING MAPAGMATIYAG SA PALIGID
Maraming bagay ang nangyayari nang hindi natin inaasahan. Kaya bilang magulang, dapat nating ipaalala sa ating mga anak na maging maingat sila. Dapat na maging mapagmatiyag sila sa paligid o sa lugar na kanilang kinaroroonan.
Dahil rin sa kasa-kasama na ng bawat isa sa atin ang gadget, paalalahanan din ang mga bata o tsikiting na maging maingat sa paggamit nito.
Halimbawa na lang ay kapag naglalakad sila, nang masiguro ang kanilang kaligtasan at hindi sila malingat, huwag na munang gagamit ng gadget at itago na muna ito sa bag.
IWASAN ANG PAGLALAKAD NANG MAG-ISA
Iwasan ang paglalakad nang mag-isa, isa pa ito sa dapat nating ipaalala sa ating mga anak.
Hindi na safe ang paligid sa panahon ngayon kaya maghanap ng kasama kung maglalakad sa campus lalo na kung may kadili-man na ang paligid.
ALAMIN ANG PASIKOT-SIKOT NG ESKUWELAHAN
Bilang estudyante, importante ring alam nila ang pasikot-sikot ng kanilang eskuwelahan. Gayundin ang daan pauwi.
Kailangang kabisado ito ng isang estudyante para anuman ang mangyari, may madaraanan ka o may lugar kang mapupuntahan.
Alamin din ang mga bahaging madidilim at delikado para maiwasan ang pagtungo roon.
HUWAG MAKIKIPAG-UNAHANG LUMABAS NG CLASSROOM O SCHOOL
Kapag uwian na, hindi maiiwasang makipag-unahan o siksikan ang mga bata. Pero ang ganitong pag-uugali ay maaaring maka-pagdulot ng problema.
Sabihan ang mga anak o paalalahanang huwag makikipaggitgitan sa paglabas ng classroom o paaralan.
PAALALAHANAN ANG MGA BATANG UMUPO KAPAG NAKASAKAY SA SERVICE
Marami naman talaga sa atin ang abala kaya’t hindi na natin nagagawang ihatid ang ating mga anak. Bagkus ay kumukuha na lamang tayo ng service na maghahatid dito.
Sa mga anak na may service, paalalahanan ang mga itong umupo ng maayos at huwag maglilikot habang umaandar ang sasa-kyan.
Hintayin din munang tumigil ang sasakyan o service bago bumaba. Huwag ding makikipagtulakan o unahan.
EMERGENCY CONTACTS
Isa pa sa dapat na siguruhin ng mga estudyante ay ang mga numero ng mga taong malapit sa kanila, lalong-lalo na ang mga magulang.
Halimbawa sa smart phone mo, mag-program ka ng emergency number. Ilagay mo rin ang mga numero ng mga taong madaling makakasaklolo sa iyo sa oras ng panganib.
TIPS SA PAGBIYAHE AT PAGLALAKAD SA LANSANGAN
Nagbigay rin naman ng paalala ang Department of Transportation (DOTr) ng ilang Road Safety Rules para masiguro ang kalig-tasan ng mga estudyante sa pagbiyahe, gayundin sa pagtawid sa mga kalsada.
Kabilang sa mga tips na ibinigay na kailangang sundin ng mga estudyante ay ang mga sumusunod:
– Maging alerto sa pagtawid sa daan
– Tumigin sa kaliwa at kanan bago tumawid
– Huwag tumakbo sa kalsada
– Alamin ang mga safety at pedestrian signals
– Gamitin ang pedestrian lane o overpass sa pagtawid
– Huwag gumamit ng gadgets habang tumatawid
– Huwag maglaro malapit sa kalsada o parking areas
– Gamitin ang mga sidewalk
PAALALA SA MGA MAGULANG AT ESTUDYANTE
May mga paalala rin naman sa mga magulang at estudyante. Unang-una nga riyan ay ang pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa mga guro, gayundin sa guwardiya ng eskuwelahan.
Ikalawa, ipaalam sa mga guro at guwardiya kung sino ang susundo sa anak.
Ikatlo, payuhan ang mga anak na manatili sa paaralan at huwag makikipag-usap at sasama sa kung kani-kanino.
Panghuli, maging alerto kapag nasa labas ng paaralan.
Para mapanatiling ligtas ang mga bata o anak, hindi lamang guro at magulang ang kailangang maging maingat.
Dapat din ay itinuturo natin sa ating mga anak ang mga paraan upang mapag-ingatan nila ang kanilang mga sarili.
Kaya naman, bilang magulang ay huwag kalilimutang kausapin ang mga anak at palaging paalalahanan.
Sa panig naman ng mga anak, makinig at sumunod sa mga magulang. (photos mula sa sossecurity.com, slatervecchio.com, safe-bee.com, mamabearapp.com)
Comments are closed.