IKINASA ng Komisyon sa Wikang Filipino ang ikalawang kumperensiya sa Nanganganib na Wika nitong October 9 hanggang 11.
Iba’t ibang sektor ang dumalo at kasama rito ang local government units para sa turismo at kultura ng bansa.
Dahil unti-unti nang nauubos o nawawala ang mga wika ng katutubo, sinisikap ngayon ng KWF na sagipin ang mga ito.
Mahalaga sa bansa ang mga wika ng tribo at ninuno dahil ito ang pagkakakilanlan ng Pilipinas.
Subalit dahil sa pagsulong ng bansa kasama na ang teknolohiya ay nababago at nagiging moderno ang wika na natututunan ng bagong henerasyon.
Ito ang dahilan kung kaya unti-unti nang naubos ang mga katutubong wika.
Halimbawa na lamang ang salita sa mga karatig lalawigan sa Metro Manila, Zambales, at Montalban, Rizal.
Sa panig naman ng local government unit sa Montalban, Rizal, mayroon pang tatlong barangay sa kanila ang nagtataglay ng makalumang wika subalit ang mga ito ay matatanda na.
Habang ang mga kabataan ay hindi na gumagamit ng kanilang wika na bolus.
Kaya labis na nakalulungkot kung tuluyan nang mawala ang tribong wika na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
Kabilang din sa inaalagaang wika ng mga Dumagat ang bolus, marami pang wika ang nais sagipin gaya ng Gensalugen at Subanen.
Nawa’y ang ginawang kumperensiya ay makatulong sa pagsagip sa mga nanganganib na wika.