“Totoo po ba na kailangan mag-loan sa PhilHealth para makagamit ng benepisyo?”
– John Villanueva
follower ng PhilHealth sa Facebook
Magandang araw, John! Hindi kailangan mag-loan sa PhilHealth para makagamit ng benepisyo. Kung sakali na ma-confine ang isang miyembro ay agad na makakagamit ng benepisyo ng PhilHealth.
Ang pangunahing layunin ng PhilHealth ay magbigay ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot ng ating mga kababayan. Hindi mo kailangan mag-loan para lang makagamit ng aming benepisyo. Sagot namin ang iyong pagpapaospital kung sakaling magkasakit. Ang mga sumusunod na serbisyo ay maaaring ma-avail sa tuwing maa-admit o maospital ng 24 oras o higit pa. Kabilang dito ang mga serbisyong in-patient, mga benepisyo ng Z (para sa malalang kundisyon, tulad ng cancer at sakit sa bato) at marami pang iba.
Kasama sa binabayaran ng PhilHealth ang hospital charges tulad ng room and board, mga gamot na ibinibigay sa pasyenteng na-confine, at pati na rin professional fees ng duktor. May mga outpatient procedures na sagot din namin! Tandaan mo John, magtungo lamang sa mga accredited na pasilidad at duktor upang masigurong covered ng PhilHealth.
Hindi lang iyon! Sa pamamagitan ng Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta package ang primary care benefit package ng PhilHealth ay maaari ka nang magpa-medical consultation, check-up, at magpa-laboratory test at mabigyan ng mga gamot para sa mga piling kundisyon.
Maaari mo rin bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph para sa iba pang detalye ng mga benepisyo.
Bigyan ko lang ng linaw, John. Tiniyak ng Batas sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) ang agarang paggamit ng benepisyo (immediate entitlement) ng lahat ng miyembro na nangangailangan ng serbisyong medikal.
MAY TANONG TUNGKOL SA INYONG PHILHEALTH?
Tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662-2588. Bukas ang aming Action Center anumang oras at araw, pati weekend at holiday!
Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin ang ang Click-to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph.
BALITANG REHIYON
Ang PhilHealth Regional Office I ay nagsagawa ng Demo Teaching Observation para sa paggamit ng PhilHealth Learner’s Material para sa Tagudin National High School sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur