SAGOT SA MGA BARUMBADONG DRAYBER: 60 KPH

Magkape Muna Tayo Ulit

AYAN na po. Nagbaba ng kautusan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na bawal na ang mga humaha-rurot na sasakyan sa mga pangunahin nating lansa­ngan at nilimitahan na lamang ang pagtakbo ng sasakyan sa bilis na 60 kilometro kada oras (kph).

Ayon sa Regulation No. 19-00, ipinako na sa 60 kph ang pinakamabilis na takbo ng mga saksakyan upang maiwasan ang mga aksidente dulot ng ‘over speeding’. Ang sino mang lumabag sa nasabing regulasyon ay papatawan ng multang P1,000. Tandaan natin na ang paglabag sa nasabing regulasyon ay maaaring paulit-ulit tuwing mahuhuli kayong nagpapatakbo ng sasak­yan na mas mabilis sa 60 kph. Kaya kung sa isang araw ay limang beses kayong mahuli ng ‘over speeding’, P5,000 ang pataw na multa sa inyo. Mabigat.

Inilatag na ang mga pangunahing kalsada na ipinagbabawal ang pagpapatakbo ng mahigit sa 60 kph. Ang mga ito ay ang Recto Avenue, Pres. Quirino Avenue, Arane­ta Avenue at EDSA. Kasama rin ang C.P. Garcia Avenue at Southeast Metro Manila Ex-pressway.

Kasama rin ang Roxas Boulevard, Taft Avenue, SLEX, Shaw Boulevard, Ortigas Ave­nue, Magsaysay Boulevard, Aurora Boulevard, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, Del Pan Ave­nue, Marcos Highway at MacArthur Highway.

Sa totoo lang, ang dapat bantayan ng MMDA sa mga nakasaad na lansangan sa ilalim ng Regulation No.19-00 ay ang Com-monwealth Avenue, EDSA, Quezon Avenue, Pres. Quirino Avenue, SLEX, Ortigas Avenue, Marcos Highway at MacArthur Highway. Sa nasabing mga lansa­ngan kadalasang makikita ang maraming mga sasakyang humaharurot at barumbado ang pag-mamaneho. Maluluwag kasi ang mga ito hindi tulad ng Aurora Boulevard, Recto Avenue, Bonifacio Avenue at iba pa na makitid na ngayon dulot ng pagtatayo ng LRT at ng ginagawang Interconnector Road.

Nagtataka lamang ako sa naturang regulasyon kung bakit hindi sakop ang mga bus at trak sa paglilimita ng pagtakbo ng sasa-kyan sa 60kph. Ngunit sa aking pagsasaliksik, mayroon na palang MMDA Regulation No. 17-003 na pinirmahan si MMDA Chairman Danilo Lim noong December 5, 2017 na naglilimita sa takbo sa 50 kph sa lahat ng bus at trak. Parehas din ang mga piling lansangan sa ilalim ng MMDA Regulation No. 19-00.

Kaya ayan po. Malinaw na ang mga sasakyan na hindi bus at trak ay nililimitahan na sa pinakamabilis na takbo sa 60 kph. Sa-mantala, ang mga bus at trak ay mas mabagal sa 50kph dulot nga ng dati nang regulasyon ng MMDA na No. 17-003 noong 2017.

Sana ay istriktong ipatupad ang mga regulasyon na ito. Dahil sa mga bus at trak na lang na nakikita kong bumabaybay sa EDSA at Commonwealth Avenue, lantarang nilalabag ang 50 kph. Barumbado pa rin ang mga drayber ng bus. Malamang 100 kph ang takbo ng mga ito! Kaya kung maaksidente ang mga ito ay mara­ming inosenteng buhay ang madadamay. Sana ay hulihin ang mga ito upang ipakita na seryoso ang MMDA sa diwa ng paglabas ng 60 kph speed limit sa mga ibang sasakyan. Patas ang batas!

Comments are closed.