SAGUPAAN NG KANDIDATO, 9 BOTANTE SUGATAN

SAGUPAAN

SULU – SIYAM katao ang malubhang nasugatan makaraan ang pamamaril na naganap sa lalawigan isang oras makaraang buksan ang mga presinto para sa pagsisimula ng midterm elections nang magkasagupa ang mga supporter ng dalawang partido.

Sa ulat ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP), siyam na katao ang nasaktan sa naganap na kaguluhan ng mga taga suporta ng mga politiko.

Anim dito ay biktima ng gunshot wounds habang tatlo ang nasaktan sa naganap na rumble, ayon sa ulat ng Joint Task Force Sulu.

“Nag-abot ‘yung supporters ng iba’t ibang kandidato. Doon nagsi­mula ‘yung nagkainitan at nagkaputukan,” pahayag naman ni Police Gen. Graciano Mijares, regional director ng  Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Naganap ang pamamaril sa harapan ng Titipon Elementary School sa bayan ng Pang­lima Estino, Sulu.

Dahil sa nasabing pamamaril ay ilang oras ding nahinto ang pagboto ng mga botante sa nasabing lugar hanggang sa dumating na ang mga tauahan  ng PNP at Philippine Marines para i-secure ang lugar.

Aagad namang ipi­nag-utos ni PNP Chief Gen Oscar Albayalde na magtalaga ng augmentation force sa lalawigan ng Sulu upang hindi na maulit ang pangyayari.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing pamamaril. VERLIN RUIZ