SAHOD NI TEACHER PINATATAASAN

Rep Sonny Lagon-2

BILANG pagtugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na  dapat taasan ang sahod ng mga guro, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara upang maisulong na madagdagan ang kita ng mga itinuturing na pangalawang mga magulang.

Tatawagin ding “Public School Teachers Salary Upgrading Act of 2019” ang panukalang inihain ni Ako Bisaya Partylist Rep. Sonny Lagon na pag-tugon na rin ani­ya sa nakasaad na probisyon sa Saligang Batas na ang edukasyon ang dapat na pangunahing sektor sa gobyerno at mapanatili ang sipag at tiyaga ng mga guro.

“If we are to raise the quality of education as an important key to enhance the Filipinos’ competitiveness in the global stage, we must start by giving our public school teachers the remuneration that they deserve to encourage them to give their best in the difficult task of shaping the character and com-petence of our youth, Otherwise, giving them accolade is just an empty rhetoric devoid of any meaning and substance,” ani Lagon.

Isinusulong ang pagtataas sa minimum salary grade level ng public elementary at secondary school teachers mula sa Salary Grade 11 sa Salary Grade 15 bilang pagkilala sa gampanin ng mga guro.

Sa kasalukuyan ay hindi pa natutumbasan ng anumang pagkilala ang gampanin ng mga guro, labis umano ang  oras ang pagtuturo ngunit hindi gaanong nabibigyan ng pansin  kaya ilang guro ay nagbago ng propesyon.

Comments are closed.