SAINTS VS SKIPPERS SA FINALS

PBA D-League

Laro sa Huwebes:

(Ynares Sports Arena, Pasig)

Game 1, Best-of-3 Finals

3:30 p.m. – BRT Sumisip Basilan-St. Clare vs Marinerong Pilipino

SINIBAK ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang Centro Escolar University, 73-59, at umabante sa 2019 PBA D-League Foundation Cup Finals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nanguna si Joshua Fontanilla para sa Saints na may 15 points, 4 rebounds, 4 assists, 3 steals, at 2 blocks sa panalo na nagdala sa kanila sa kanilang kauna-unahang Finals trip.

Nagdagdag si Chris Dumapig ng 11 markers at 6 boards at lahat ng 11 players ay umiskor ng hindi bababa sa 2 points sa panalo.

“Lahat gustong pumasok ng Finals especially for this school, for the young guys,” wika ni coach Stevenson Tiu,  na bumalik sa sidelines makaraang mawala sa Game 2 noong Lunes dahil sa flu-like symptoms. “Gusto raw nila makalaro sa Finals which they worked hard for naman.”

Ito na ang ikatlong Finals appearance ni Tiu, kung saan ang kanyang unang dalawa ay sa Che’Lu Bar at Grill noong nakaraang season.

Makakasagupa ng Saints ang Marinerong Pilipino Skippers sa best-of-three title series na magsisimula sa susunod na Huwebes, Okt. 3.

Tumipa si Jerome Santos ng 16 points at 5 rebounds upang pangunahan ang  CEU.

Iskor:

BRT SUMISIP-ST. CLARE (73) – Fontanilla 15, Dumapig 11, Gabo 9, Hallare 8, Rubio 7, Batino 6, Pare 5, Bautista 5, Tiquia 3, Manacho 2, Penarendondo 2.

CEU (59) – Santos 16, Diouf 13, Guinitaran 12, Bernabe 8, Carandang 5, Diaz 2, Sunga 2, De Ocampo 1, Tagal 0.

QS: 13-21, 31-32, 51-47, 73-59

Comments are closed.