NAKARATING na dito sa Metro Manila ang 231 na mga locally Stranded Individuals na inabutan ng pananalasa ng bagyong odette sa Siargao.
Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Lt Col Maynard Mariano isinakay ang mga ito sa C-130 aircraft mula Siargao hanggang Villamor Air Base sa Pasay City nitong December 21 at 22.
Bukod sa pagsakay ng mga stranded individuals, tuloy ang pagdadala ng mga relief goods ng C130 aircraft na may tail number 5011 sa Siargao, Surigao, at Mactan, Cebu.
Sa katunayan sa ngayon aabot na sa 88,419 lbs ng relief goods ang naitransport na ng C130 aircraft.
Sa ngayon ayon kay Mariano, lahat ng available air assets ng Philippine Air Force ay ginagamit na para magsagawa ng relief operations sa Visayas at Northern Mindanao kabilang na ang Blach Hawk na bagong deliver lang sa Philippine Air Force.
Tiniyak ng Philippine Airforce na magpapatuloy ang kanilang relief operations hanggat kinakailangan.
REA SARMIENTO