NADAGDAGAN na naman ang sakit ni Kris Aquino, at ito raw ay may kinalaman sa kanyang puso. Kumunsulta umano siya sa pang-apat na beses upang makasiguro, sa isang cardiologist sa UCLA dahil nagsikip ang kanyang dibdib noong Mother’s Day.
Bukod sa sakit sa puso na namana niya sa kanyang ama at lolo, mataas din daw ang kanyang cholesterol level at triglycerides, ngunit hindi ito pwedeng gamutin dahil kulang siya sa timbang (91 lbs).
Problemado rin umano ang kanyang B/P na palaging 145/122 with heartrate of 110-130. Pero nagreresponde na raw ang kanyang autoimmune sa methotrexate (chemotherapy) dahil mahusay ang combination of medicine na Methotrexate & Dupixent.
Ani Kris, lalabanan niya ang kanyang sakit hanggang kaya niya alang-alang sa kanyang mga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap.
Kamakailan, sinabi ni Kris na kinailanggang magtrabaho ng kanyang anak na si Bimby sa America dahil sobrang malaki na ang kanyang medical bills. Nakipag-meeting na umano si Bimby kay Cristine Calawod, artist handler ng Cornerstone Entertainment Inc., at sa mga executives nito. NLVN