MATAPOS isailalim sa kontrol ng Commission on Elections ang bayan ng Daraga sa Albay at Cotobato City, inisa-isa ng poll body ang saklaw ng kanilang kapangyarihan sa nasabing mga lugar.
Kapag nasa kontrol na ng Comelec ang isang bayan, may direkta na silang kontrol sa mga pulis na naka-deploy sa lugar. May kakayahan na silang magpatupad ng balasahan o kaya ay magsibak sa puwesto ng opisyal na lalabag sa election law at ang Comelec na ang magtatalaga ng kapalit.
Maari na ring atasan ng Comelec ang Department of Interior and Local Government na bantayan ang presensiya ng private armed groups na maaring banta sa eleksiyon.
Isinailalim ang Daraga, Albay sa kontrol ng Comelec bunsod ng pagpatay kay Ako Bikol Partylist Rep. Rodel Batocabe, habang ang Cotobato City ay dahil sa pambobomba kamakailan sa lugar na ikinasawi ng dalawa katao. VERLIN R
Comments are closed.