SAKO-SAKONG BASURA NAHAKOT SA DOLOMITE

SAKO- sakong basura ang nahakot sa bahagi ng dolomite beach, Manila bay.

Dahil dito , umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bumibisita sa Manila Bay Dolomite Beach na maging responsable sa pagtatapon ng kanilang basura.

Ginawa ng MMDA ang panawagan matapos ang ginawang clean-up drive sa Dolomite Beach kung saan sako-sakong basura ang kanilang nahakot.

Paalala ng MMDA sa publiko, huwag mag-iwan ng anumang uri ng basura sa lugar.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at MMDA ay regular na nagsasagawa ng paglilinis sa Dolomite Beach.

Magugunitang muling binuksan ng DENR sa publiko ang Manila Bay Dolomite Beach. LIZA SORIANO