SAKO SAKONG MAGAZINES AT BALA NG NASAMSAM NG PNP AT AFP

SORSOGON-DAHIL sa sumbong ng mga residente nakuha ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sako-sakong bala at sangkap na pampasabog sa Barangay San Bartolome, Sta. Magdalena kamakalawa ng umaga.

“Ito ang panlaban natin sa CTG (Communist Terrorist Group) : ang pagkakaisa natin tungo sa iisang layuning tapusin na ang mahigit limang dekadang armadong tunggalian,” ani PBGen. Jonnel C Estomo Regional Director ng PNP-PRO5 matapos na matunton ng pinagsanib na puwersa ng pulis at military ang isang M-16 Armaliter Riffle; tatlong sako na naglalaman ng 212 brand new magazines para sa M16 rifles, dalawang anti-personnel mines, tatlong sako at isang malaking lata na naglalaman ng 5,245 rounds ng 5.56mm ammunition, 34 blasting caps.

Ayon kay PBGEN Jonnel C Estomo, resulta ito ng epektibong interoperability ng Philippine Army at PNP katuwang ang suporta ng mga Bicolanos na hindi kayang pabagsakin ng CTG.

Ang nasabing war materiel ng CPP-NPA ay hinanap ng mga tauhan ng 22nd Infantry Battalion (22IB), 31st Infantry Battalion (31IB), 903rd Infantry Brigade, 93rd Division Reconnaissance Company (93DRC), R2, PRO5; RMFB5; Sorsogon Police Provincial Office (SPPO), Sta. Magdalena Municipal Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company (2PMFC), at ibat ibang intelligence units ng Army at PNP.

Inihayag ni Lt. Col. Nelson Mico, Battalion Commander ng 22IB seryoso rin ang mga local residents na tulungan ang mga awtoridad na tugisin ang mga kasapi ng CTG at tuntunin kung saan naka imbak ang kanilang mga war materiel.

Kung hindi to nabawi sa kamay ng CPP-NPA ay posibleng maraming buhay ang mawawala ani Col. Aldwine Almase, Brigade Commander ng 903rd Brigade.

“Nagpapasalamat tayo sa mga Sorsoganon dahil ang kanilang ibinigay na impormasyon ay napakalaking tulong upang mapigilan natin ang anumang pinaplanong terorismo at karahasan ng CTG sa kabikolan. Akala siguro nila matatakot nila tayo o ang mga residente sa pamamagitan ng isinasagawa nilang indiscriminate firing. Binubulabog lang nila ang mga komunidad na lalo lang nagdudulot ng pagkamuhi ng mga mamamayan at nagiging sanhi ng pag-aalsa laban sa kanilang kasamaan,” ani Col. Almase .

Dahilk ditto pinasalamatan ni MGen. Henry A. Robinson Jr., PA, Commander ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia, kanilang tropa dahil lang sa pagpupursige na wakasan ang communist terrorist group bagkus ang pagsisikap na majuha ang tiwala at suporta ng mamamayan.

“Maliban sa sunod-sunod na pagkakasamsam natin ng mga armas ng kalaban, mga successful operations at paglobo ng bilang ng mga surrenderers, ang isa sa pinakamalaki nating tagumpay ang nakukuha nating suporta mula sa mga Bicolano. Isa itong patunay na nakikita nila ang kagandahan ng isinusulong na kampanya ng ating pamahalaan at ang positibong resulta sa oras na tuluyan nang mawala ang insurhensya,” ani MGen. Robinson. VERLIN RUIZ

Comments are closed.