BULACAN – INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) mula sa Camp General Alejo Santos nang magkakasabay ang Anti-Littering, Salaam Desk at Family Juvenile Gender and Development Sections.
Kung saan naging bahagi ng kauna-unahang programa sina Police Maj. Gen. Benigno B. Durana Jr, director for Police Community Relations; PRO3 Dir. Regional for Administration PBGen. Rex M. dela Rosa; P/Col. Emma Libunao at Governor Daniel Fernando.
Layon nitong higpitan ang publiko na sa pagkakalat sa alinmang lugar sa lalawigan upang protektahan ang kalikasan.
Habang ang Salaam Desk ang siyang susubaybay sa mga problema ng mga kapatid na Muslim partikular sa peace and safe community.
At ang family Juvenile Gender and Development Sections ay siyang tututok naman sa mga problema ng mga kabataan at transgender, at iba pa.
Samantala, plano naman ni Governor Fernando, na gumawa ng isang batas na magbabawal sa mga gumagamit ng motor na may angkas.
Layunin naman nito na matigil na ang riding in tandem o riding in criminals na pumapatay ng walang habas.
Ayon naman kay Maj. Gen. Durana Jr., naniniwala siya na magiging modelo ang probinsya ng Bulacan sa buong bansa dahil sa magandang governance ni Gov. Fernando tulad ng pagiging modelo ng Parañaque City. THONY ARCENAL