ILANG araw na lang ang practice ng Brgy Ginebra sa Batangas City. Nag-aagawan sina Ken Salado at Jasper Ayaay sa isang slot para sa guard. Si Salado ay sanay na sa triangle style ni coach Time Cone, habang si Ayaay ay nangangapa at hirap makasunod sa laro ng Gin Kings.
Bago pa lang naman kasi si Ayaay kung saan galing siya sa kampo ng Alaska Aces. Binitiwan ng Aces ang dating player ng LPU na kinuha naman ng Ginebra. Naninjwala kasi si Cone na malaki ang maitutulong ng tubong Bicol pagdating sa depensa. Malakas sa depensaa si Jasper, magaling din naman si Ken. Sino kaya sa dalawa ang mananatili sa Brgy Ginebra?
Muli na namang nagpaparamdam ang Japan B. league kay Terrence Romeo ng SMB. Pilit na nililigawan ang dating FEU player. Ngunit tulad ng dati ay tinanggihan ito ni Romeo dahil mas nanaisin pa niyang manatili sa pagalalaro sa San Miguel Beer kung saan tumatanggap
siya ng maximum salary sa koponan. Si Romeo ay may salary na P420k kada buwan. Satisfied na umano ang player sa kanyang sahod kaysa malayo sa kanyang anak at asawa.
Sa mga hindi nakaaalam, ang balita namin ay may offer kay Terrence ng USD50k sa loob ng isang taon sa B.league. Sa kanyang pangalawang taon ay tatanggap siya ng USD100k. Subalit mas pinairal ng Caviteño ang kanyang loyalty sa kanyang mother team At tumatanaw siya ng malaking utang na loob kay Boss Ramon. S. Ang sa naitulong nito sa kanya basketball career, at sa pagbabago ng kanyang buhay. Ang tanong ay hanggang kailan ang loyalty ni Romeo sa SMC.
Lumalabas na naman ang balitang taxi driver na lang itong si Willie Miller na dating PBA MVP. Sa mga hindi nakaaalam ay sariling taxi niya ang minamaneho ni Miller. May ilang units siyang taxi, kapag wala siyang magawa ay sinusubukan niyang mamasada. Pero bandang lugar lang nila sa may Paranaque kung hindi ako nagkaka-mali.
Kahit matagal nang hindi naglalaro sa PBA si Willie ay nakaipon naman siya para sa kanyang pamilya. Mayroon silang negosyo ng kanyang asawa at partner din silang dalawa ng dati niyang teammate sa Letran na si Kerby Raymundo. Mayroon din siyang sariling pagawaan ng mga jersey uniform at t-shirt sa Olongapo City. Hindi tulad ng ibang players si Miller na pagkatapos ng career sa professional league ay walang naipon. Naging masinop silang mag-asawa para sa kanilang pamilya.
104485 299140Hello I discovered the No cost Simple Shopping Icons Download | Style, Tech and Internet post extremely interesting therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the wonderful job:) 620913