SALADO ‘OUT’ NA SA GINEBRA?!

Ken Salado

SOBRA na sa guard ang Brgy Ginebra kaya naman wala nang puwesro sa team si Ken Salado na dating player ng Arellano University.

15 players lang ang  kailangan sa lineup ng bawat team. Ang Gin Kings, sa kasalukuyan, ay may 18 players na kaya  tatlong players ang tatanggalin.

Si Salado ay posibleng i-trade sa ibang team. Katunayan, handa siyang ipamigay na may kasama pang  2nd round pick upang magkaroon naman siya ng koponan na paglalaruan. May team na nagkakainteres sa kanya kaya siguradong maraming Ginebra fans ang malulungkot. Good luck, Ken!

vvv

Sa isang makabuluhang desisyon sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Sabado, inukit ng Chooks-to-Go Pilipinas ang kasaysayan sa Philippine basketball nang ipahayag ng mga organizer ng National Basketball League (NBL), Women’s National Basketball League (WNBL), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at VisMin Pilipinas Super Cup ang nagkakaisang layunin na palakasin ang basketball development sa bansa at magkaroon ng konkretong ‘continuity’ sa paghubog ng mga talento sa sports na pinakamalapit sa puso ng sambayanang Filipino.

“We all love the sports. And I’m happy and proud working on the same vision and mission with the organizers of this respectable four leagues. This One Chooks-to-Go Pilipinas is a platform for our talented homegrown players on their quest for basketball excellence,” pahayag ni Chooks-To-Go Pilipinas president Ronald Mascarinas.

Iginiit ni Mascarinas na mas mapapalawak ang naturang merger kung saan tatampukan ito ng ilulunsad na Champions League na option ng mga basketbolistang Pinoy na ikalat sa lahat ng  sulok ng bansa. .

Batay sa konsepto ng Champions League, awtomatikong pasok ang top six teams ng bawat liga, habang bukas ang nalalabing slots para sa publiko at iba pang liga maging ang Philippine Basketball Association (PBA).

“Parang March Madness ito sa US NCAA. Laban- laban ang top teams. This is open to the public, walang restriction. Kahit ang PBA we will invite them to join,” pahayag ni Mascarinas.

Ikinalugod ni VisMin Super Cup Chief Executive Officer Rocky Chan ang suporta ng Chooks-to-Go sa liga at ang ‘merger’ ay higit na makabubuti para sa mas nakararaming Pinoy basketball players..

Kinatigan ito ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes kasabay ang pahayag na nirerepaso na ng liga ang kanilang programa upang tuluyang mapasailalim sa kapangyarihan ng Games and Amusements Board (GAB), ang ahensiya na nangangasiwa sa professional sports at athletes.

Sa apat na ligang sinusuportahan ng Chooks-to-Go para sa merger, tanging ang MPBL ang hindi pro league.

Nagbigbay rin ng kani-kanilang aspirasyon at pagtanggap sa merger sina NBL-Pilipinas president Edward Aquino, WNBL-Pilipinas Chuef Rhose Montreal, gayundin sina Chooks-to-Go 3×3 head Aldin Ayo at Vismin Cup consultant Chino Trinidad.

vvv

Feeling super husay naman ang Fil-Am player na ito. Panay ang pakiusap na i-trade siya ng team. Mukhang wala sa coach ang problema kundi sa player. Naalis ang dating coach ng team dahil kesyo may problema Ito sa coach. Lumabas ang tunay na dahilan na ang foreign player ang may problema. Una ay may attitude problem ang player, ang totoo nga niyan ay may pagkasuplado pa ito saka hindi basta-basta ma-interview lalo na kapag talo ang team. Gusto niyang malipat sa sikat na team dahil gusto niyang makatikim ng kampeonato.

3 thoughts on “SALADO ‘OUT’ NA SA GINEBRA?!”

  1. 158168 607784Possible demand all types of led tourdates with some other fancy car applications. A lot of also supply historic packs and other requires to order take into your lending center, and for a holiday in upstate New York. ??? 131272

Comments are closed.