KAHIT masakit, tanggap ni Sue Ramirez na wala na ang kanyang lolang nagpalaki sa kanya. Gayunman, hinding hindi umano niya ito malilimutan.
“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo saakin. Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo,” aniya.
Si Lola Nitz ang nagpalaki at umaruga kay Sue kaya Mama ang tawag niya dito. Mula’t sapul umano ay suportado siya nito sa kahit anong gusto niyang gawin basta hindi lalampas sa kagandahang asal. Sumakabilang-buhay ang pinakamamahal na lola ni Sue noong June 18, 2024.
Inalala ng aktres ang sakripisyo at pagmamahal ng kanyang lola noong nabubuhay pa ito.
Kasama umano niya itong pumila sa mga audition at taping noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.
Hindi umano ito nagrereklamo kahit mapagod masuportahan lamang siya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.
Pangako niyang habambuhay niyang aalalahanin ang mga aral na natutunan niya sa kanyang lola, gayundin ang masasayang alaala nila.
Saad ni Sue, “Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo sa akin. Habambuhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. ”
“My grandmother passed away last Tuesday. Sana maisingit niyo siya sa mga panalangin ninyo.”
Hindi binanggit ni Sue ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola.