SALAMIN NG MGA PILIPINO

Nakakatuwang isipin na kasama na ang Kaliwat Kanan sa pagtataguyod sa tunay at magandang layunin para sa bayan.

Katulad ng kinakahulugan ng pangalan nito Pilipino Mirror, sinasalamin nito ang tunay na kalagayan ng ating bansa at lipunang ating ginagalawan.

Mula sa lagay ng ating ekonomiya,bmga negosyante, socio political at maging kaganapan sa buhay ng mga artista, wala nang mahihiling pa sa PM.

Maituturing kong isang malaking karangalan ang mapabilang dito, mula sa mahabang pinagdaanan na isang pagiging simpleng Reporter, Radio newscaster sa aming probinsya, Publisher ng Community Newspaper at matapos na maging General Manager ng isang malaking government TV Network, ngayon narito sa isang sikat na tabloid sa Pilipinas na kabilang sa mahuhusay na mga nagseserbisyo sa publiko.

Ang kauna-unahang tabloid sa Negosyo kung saan hindi lamang tungkol sa mga ibat ibang kalakalan ang mababasa dito.

Tunay na kakaiba ang pahayagang ito sapagkat mahuhusay ang bumubuo ng Filipino Mirror Media Group sa pangunguna ni Sir Ed Cabangon. “Yun marahil na pagiging masayahin niya at down to earth ang isa sa mga agimat niya para mas higit na pagpalain ang pamamahalang iniwan ng kanyang ama.

Hindi rin pahuhuli ang galing naman ni GM Jocelyn Siddayao, Mam Susan Cambri, Ana Federigan, Marvin Estigoy, Cris Galit, Linda Villar at mga kasama nito na siyang nagbibigay buhay sa lahat.

Alam nating mayroon silang kaniya-kaniyang kwento patungkol sa kanilang mga naging karanasan sa kanilang mga posisyon sa diaryo. May maganda, malungkot, nakakainis ngunit hindi nagbabago ang kanilang paninindigan at pananaw-ang makapaglingkod sa bayan.

Maituturing na isang pamilya ang Pilipino Mirror dahilan sa dumaan man sa maraming pagsubok na imbes na bumagsak ay lalong sumigla at naging matatag na maitaguyod ito.

Sabi nga ni Kabise, nakakaaliw basahin ang Pilipino Mirror dahilan sa hindi bias na mga pagbabalita at mahusay na panulat at pananaw ng mga kolumnista dito.

Sana nga’y hindi ikalaki ng ulo ng mga nangangasiwa rito ang pagpuri ng publiko, manapa’y mas lalong higit na paigtingin at pag-ibayuhin pa ang pamamahala rito.

Tunay na mahalaga rin ang puso ng mga kinauukulan upang higit na maipaabot sa publiko ang nais nilang maiparating na mahahalagang impormasyon.

Malaking bagay na mayroong ganitong tabloid peryodiko sa henerasyon.’Yung maaring basahin ng mga kabataan at kapupulutan nila ng magandang halimbawa hindi lamang sa kalakalan kundi saan mang anggulo ng artikulo na nagbibigay ng impormasyon sa sambayanan.

Kaya naman, patuloy ang paglago ng tabloid at marami ring tumatangkilik dito sapagkat marahil nakikita nilang ito ang tabloid na dapat suportahan dahilan sa paglalathala nito ng makakatotohang nagaganap hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

Ito ‘yung tabloid na malaki ang maitutulong sa sambayanan sapagkat naglalarawan ito ng tunay nangyayari sa kapaligiran.Walang pinipili at kinikilingan basta sa kapakanan ng mga mamamayan at kalakalan.

Sa pagdiriwang ng mahalagang araw na ito ng pagkatatag, isang haliging muli ang napagdagdag para muling patatagin at paigtingin ang tibay ng pundasyon nito.

Isang pundasyon na hindi matitibag at muling titibay sa pagdaan pa ng mga panahon.

Binabati ko ang Pilipino Mirror sa mabungang pagcelebrate ng 11th year anniversary.

Naway marami pang mabasa at maipahayon na mahahalagang impormasyon na mas lalong mapakinabangan ng sambayanan.Mga artikulong hindi pagsasawaang basahin ng mga Pilipino.

Mabuhay ang Pilipino Mirror at staff nito.