SALARY HIKE SA GOV’T WORKERS  POSIBLE SA RE-ENACTED BUDGET - DBM | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
DBM

SALARY HIKE SA GOV’T WORKERS  POSIBLE SA RE-ENACTED BUDGET – DBM

HINDI mapipigilan ng re-enacted budget ang pagpapatupad ng fourth tranche ng salary hike ng mga kawani ng pamahalaan subalit kailangan munang magpalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order (EO) para rito, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni DBM oficer-in-charge Janet Abuel na kailangang lagdaan ni Duterte ang isang EO upang makapagbigay ng mga karagdagang pondo para sa fourth tranche ng dag­dag-sahod dahil ang re-enacted budget ay hindi makasasapat para rito.

“Unfortunately, if you have a re-enacted budget, of course the re-enacted budget would not be sufficient to cover the entire year, so that might need some additional recommendations for funding,” paliwanag niya.

Sa kasalukuyan, ang Filipinas ay nag-o-operate sa isang re-enacted budget dahil hindi pa nagkakasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa specific items na nakapaloob sa 2019 General Appropriations Act (GAA).

Nakasaad sa Salary Standardization Law na ang monthly salary ng entry-level personnel sa teaching profession, o Teacher 1, ay tataas sa P20,754 ngayong taon mula sa P20,179.

“Initially, the worry of our civil servants will be how will the fourth tranche be affected if we don’t have the budget, but we’re al-so ready for that,” ani  Abuel.

“Definitely we would like to allay the fears of the government employees that the reenactment would not prevent the grant, but that would require an EO to be issued by the President,” dagdag pa niya.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS