SALARY INCREASE SA GURO IPINAPAPRAYORIDAD KAY DUTERTE

SALARY INCREASE

NANAWAGAN ang dalawang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang pagpapasa sa mga panukala para sa dagdag-suweldo ng mga guro.

Iginiit nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro na dapat na gawing top priority ang salary increase bills na matagal nang nakahain sa Kongreso.

Anila, kung nagawa ng Pangulo na pabilisin ang pag-apruba sa dagdag- sahod para sa mga pulis at sundalo, gayundin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ay hindi ha­mak na kaya ring maipasa ang panukala para sa ‘substantial sala-ry increase’ para sa lahat ng mga kawani ng gobyerno.

Kabilang sa mga panukala na nakabimbin sa Kamara ang House Bill 7211 o ang P30,000 minimum pay para sa public school teachers, P31,000 minimum para naman sa mga teaching personnel sa state universities and colleges (SUCs) at P16,000 na mini-mum pay sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Ipinaalala pa ng mga mambabatas ang pangako ni Pangulong Duterte na ngayong taon ay ang mga guro na ang kanyang isusunod na pagkakalooban ng umento sa sahod.              CONDE BATAC

Comments are closed.