Nagpasalamat at nagpakita ng appreciation ang Department of Education (DepEd) sa kautusan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na magbigay ng Php 20,000 Service Recognition Incentive (SRI) sa mga public school teachers at non-teaching personnel.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sobrang laking pasasalamat nila sa Presidente na dinagdagan ang SRI mula Php 18,000 sa Php 20,000 na pakikinabangan ng humigit-kumulang 1,011,800 DepEd personnel.
“We thank President Marcos Jr. for his unparalleled dedication to uplifting the welfare of our teachers and personnel. His genuine concern for education and his heart for our teacher have once again prioritized the needs of those shaping the future of our nation,” ani Sec. Angara.
Kinumpirma rin ni Angara ang kanyang commitment na tutukan at makipag-ugnayan kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman upang masiguro ang mabilis at successful na implementasyon ng increased SRI habang sumusunod sa fiscal policies.
Tututukan daw ito ni Sec. Pangandaman at hahanapan daw ito ng pondong kailangan para masapinal ang implementation process at release ng pondo ng SRI.
“Malaking tulong ito sa ating mga guro at kawani para sa kanilang paghahanda para sa kapaskuhan at sa pagsalubong ng bagong taon. Napakagandang regalo ito ng ating administrasyon na kinikilala ang sakripisyo at serbisyo ng ating mga kaguruan,” giit ni Angara.
JAYZL NEBRE