MISTULANG mga bituing nagningning ang buong kawani at sales force ng Fortune Life Insurance Company makaraang tumanggap ng samu’t saring parangal sa ginanap na 34th Annual Awards Night noong ika-13 ng Marso, 2019, sa Citystate Tower Hotel, Ermita, Maynila.
Sa kabila ng kasiyahan ay inalala at binigyang pugay muli ng buong kompanya ang natatanging kontribusyon at bisyon ng founder ng Fortune Life na si Amb. Antonio L. Cabangon Chua na naging modelo ng determinasyon at sipag para sa lahat. Ginunita ng buong grupo ang ikatlong Death Anniversary ng yumaong ambassador noong Marso 11, 2019.
Dumalo sa nasabing okasyon si Insurance Commissioner Atty. Dennis Funa na siyang naging panauhing pandangal at guest speaker. Sa kanyang mensahe nabanggit niya na malaking kontribusyon ang trabahong ginagampanan ng mga masisipag na sales force ng Fortune Life sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
“My congratulations to Fortune Life and of course to your Top Sales Producers, As I speak about hard work, let me assure you that you are not alone. We at the Insurance Commission are working equally hard to ensure that we are true to our vision and always ready to serve every Filipinos to its best and fullest,” ani Commissioner Funa.
Pinuri rin ni Funa si Amb. Cabangon Chua sa naging adhikain nitong mabigyan ng insurance protection ang bawat Filipino upang magkaroon ng seguridad maging ang kanilang mga pamilya sa hinaharap. Ginawaran naman ng Token of Appreciation si Funa sa pangunguna ng Fortune Life President na si D. Arnold A. Cabangon kasama sina EVP – General Manager Evelyn T. Carada, SVP/ Assistant General Manager at OIC for Marketing and Sales Division Emma M. Abad at ALC Group Chairman D. Egard A. Cabangon.
Sa kabila ng hamon na kinaharap para sa taong 2018, kinilala ni President Arnold Cabangon, ang husay, integridad at sipag ng buong sales force kasama ng lahat ng namamahala sa kompanya.
“Tonight marks the 34th Annual Awards Ceremony. We are here to acknowledge and celebrate the accomplishments of our dear partners, our be-loved agents. As we are all aware, 2018 was a trying year for our company but they have proven that perseverance combined with hard work and discipline can overcome any adversities. My father would have been very proud of all of you. Let me personally congratulate our outstanding awardees for 2018,” wika ni Arnold Cabangon.
Nangunguna sa hanay ng Insurance specialist category, para sa Chairman’s Board ay sina Ulysses Elmundo, at si Elimar Depamaylo, na siya ring tinanghal bilang Insurance Specialist of the Year.
Sa hanay naman ng President’s Club ay sina Ritchie Garay, Isoldi Agaab, Cynthia Lapastora, Robert Sildo, Nenita Besas, Angela Guillermo, at Lucina Lapastora.
Para naman sa Agency Manager Category ay sina Emily Taguines, Sharlene Gagaa, Jaime Bermudo, at si Patricia Taguines na kinilala bilang Agency Manager of the Year.
Samantala, sa pamamagitan ng mga aral ni Amb. Cabangon Chua, ay binigyang inspirasyon ni EVP at General Manager Evelyn Carada ang mga sales force ng kompanya at hinimok na gayahin ang ipinakitang sipag, dedikasyon at disiplina sa trabaho ng yumaong ambassador.
Hindi naman nagpahuli para sa Field Manager Category sina Ines Jabines (Field Manager of the year), Victor Taguines; Elimar Depamaylo; Francisco Taguines; Renato Villanueva; Tranquilino Daigdigan; at si Sonny Guillermo.
“We are guided by our Dad, ang aming Amb. Antonio Cabangon-Chua, na inalala namin ang 3rd Death Anniversary.
Sabi niya in unity there is strength. Wala man ang Dad ngayon, we belong to one group. Time is challenging for the insurance group pero sama sama tayong titindig para makamit ang tagumpay para sa lahat,” ayon kay D. Edgard Cabangon.
Ilan naman sa mga kabilang sa Founders Circle para sa Special Awards ay sina Jaime Bermudo; Emily Taguines; Patricia Taguines; Tranquilino Daigdigan; Elimar Depamaylo; Francisco Taguines, Victor Taguines, Renato Villanueva, at si Sonny Guillermo.
Binigyan parangal din sa Jumbo Specialist Category sina Elimar Depamaylo, at Cynthia Lapastora bilang Jumbo Specialist of the year. Habang sa Group Insurance Specialist category naman ay sina Pearly Ann Allarey, at Mary Lou Daigdigan na tinanghal bilang Group Insurance Specialist of the year.
Kinilala naman bilang Quality Business Awardee si Angela Guillermo habang nakuha ni Ines Jabines ang Agency Builder of the year at Regina Adora naman para sa Personal Accident Insurance Specialist of the year.
Nagpaabot naman ng kanilang pagbati sina Pangulong Rodrigo Duterte; Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle; at si Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Liban sa natanggap na mga award, nakatanggap din ng incentive trip sa Taiwan ang mga sales force awardees ng Fortune Life bilang pasasalamat ng kompanya sa kanilang sipag at pagmamahal sa grupo.
Comments are closed.