NAGBABALA na ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga Chinese na negosyante sa isang mall sa Divisoria na magbigay ng tamang pasahod sa kanilang mga tauhang Filipino higit lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, humanda na aniya ang mga negosyanteng Chinese sa isang mall dahil bubusisiin ang mga tindahan dito na karamihan ay mga Intsik ang may-ari.
Sinasabing umaabuso na aniya ang mga ito pagdating sa tamang pasahod sa kanilang mga tauhan.
Abala pa ng alkalde na sa sandaling malaman na hindi tumatalima ang mga Chinese businessman sa tamang pagtrato sa kanilang mga tauhan o manggagawa ay kaniyang ipasasara ang kanilang mga tindahan.
“If you are chaotic in your country. If you are chaos there do not bring it here,” pahayag pa ng alkalde.
Paliwanag pa ni Moreno na hanggat nagbabayad ng tamang buwis, nagpapasahod ng tama at sumusunod sa mga patakaran ay malayang makakapagtinda ang mga ito at welcome sa Maynila upang makapagnegosyo ang mga banyaga. PAUL ROLDAN
Comments are closed.