SALITANG ‘THEY’,  WORD OF THE YEAR NG MERRIAM-WEBSTER

they

TINANGHAL bilang word of the year ang salitang “they”.

Ayon sa Merriam- Webster, hinanap  ang naturang pronoun ng 313 percent higit noong 2018.

Noong Setyembre, idinagdag ang non – binary pronoun na ‘they’ sa naturang dictionary kung saan ginagamit ito sa isang tao na ang kasarian ay isang non – binary o hindi matukoy kung saang kasarian ang kanyang kinabibilangan.

Una nang ginamit ni Congresswoman Pramila Jayapal noong Abril ang salitang ‘they’ nang tukuyin ang kanyang anak na gender – noncon-forming.

Habang noong Setyembre ay sinabi ni British Singer – Songwriter na si Sam Smith na mas nais siyang patungkulan siya bilang ‘they’.

Comments are closed.