SALIVA-BASED TESTING SA COVID-19

Health undersecretary Maria Rosario Vergeire

KINUMPIRMA  ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng mga local expert ang paggamit ng  laway bilang specimen sa pagsusuri ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos na mapaulat sa Estados Unidos ang paggamit ng bago at mas murang  coronavirus testing method.

Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay mag-iisang buwan nang naghahanap ang DOH laboratory experts panel ng isang saliva-based testing.

“Pinag-aaralan ‘yan ng lab experts panel natin. I think we got that information matagal na, siguro mga three week or one month ago already,” aniya pa.  “Ito naman ay binigay natin sa ating mga laboratory experts panel para pag-aralan at tingnan yung iba’t-ibang experiences ng ibang countries using this method. Kapag nagkaroon na tayo ng information we will provide everybody.”

Ipinaliwanag pa ni Vergeire na ang saliva-based testing ay hindi naman talaga bagong paraan ng screening para sa COVID-19 pero ibang method ng pagkolekta sa samples.

“Itong saliva pinag-aralan as a sample na puwede or a specimen that we can use. Tinitingnan ng ating lab expert panel kasi mas magiging madali kapag laway lang ang gagamitin,” aniya pa.

“Pero maraming mga pinakita ang ating lab experts panel na medyo mas tedious siya kasi minsan laway may ibang mga particles ng pagkain so marami tayong pinag-aaralan ukol diyan,” aniya pa.

Una nang inianunsiyo ng US ang pag-apruba sa awtorisadong paggamit ng laway para sa COVID-19 test. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.