ISINUSULONG ni Senador Richard Gordon na gamitin ang saliva test para sa coronavirus.
Ayon kay Gordon, ito ay mas mura at 99.9 porsiyentong mabisa ang saliva test bilang alternatibo sa COVID-19 testing.
“Health Technology Assessment Council ang nag-e-examine. It’s taking them a long time, Oct. 17 pa sinubmit ‘yan at ginagamit na din ‘yan sa ibang bansa. Over one million COVID testing has been done using that, at 99.9% ang accuracy,” saad ni Gordon.
Ipinaliwanag din ni Gordon na parehong machine na ginagamit sa RT-PCR test ang gagamitin sa saliva test subalit hindi na kakailanganin ang “nasal and pharyngeal swab test.”
“Mas madali ito dahil hindi na kailangan ng swab sa ilong at lalamunan. Kailangan lang dumura sa test tube. Mas mabilis din mapa-process at mailalabas ang results. Walang machines na bibilhin at matatangal din ang test kits kaya mababawasan din ang presyo ng testing. Hindi mabigat para sa ating mga kababayan na gustong magbayad dahil mas mura.
Ganun din ang PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation), bababa ang kanilang gastusin na babayaran sa testing,” dagdag niya.
Ang HTAC ay isang independent advisory body kung saan nagbibigay ito ng gabay sa Department of Health at PhilHealth sa mga health intervention.
“It is mandated to undertake technology appraisals by determining their clinical and economic values in the Philippine healthcare system, with the aim to improve overall health outcomes and ensure fairness, equity, and sustainability of coverage for all Filipino citizens,” ani Gordon
Nakapagsagawa na ng isang milyong saliva testing ang University of Illinois at sinasabing 99.9 ang accuracy rate nito. LIZA SORIANO
Comments are closed.