MAAARI nang magpatuloy ang operasyon ng mga barber shop at salon, gayundin ang pag-shoot ng mga eksena sa pelikula at telebisyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Simula sa Mayo 1, ang mga lugar sa bansa na may low at moderate risk ng outbreak ay isasailalim sa GCQ habang mananatili ang lockdown sa mga lokalidad na nasa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang Mayo 15.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga sektor na papayagang mag-operate sa GCQ ay ang barber shops, salons, spas at iba pang personal care industries sa ilalim ng “strict health standards”, construction, Build, Build, Build activities, gayundin ang motion picture, video at television program production, sound recording at music publishing activities.
Ang malls at commercial centers, kabilang ang hardware stores, clothing and accessories at non-leisure stores ay frontline offices ng gobyerno ay papayagan na ring mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Para sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, ang mga sektor na maaari nang mag-operate ay ang dental and EENT clinics (with strict health standards), delivery services, e-commerce platform man o hindi, in-house or outsourced, para sa mga produkto tulad ng clothing and accessories at office supplies; repair at installation ng machinery and equipment; at repair ng computers and personal at household goods laundry shops (including self-service)
Ang mga sektor at aktibidad na ipinagbabawal naman sa panahon ng ECQ at GCQ ay ang mass gatherings; gyms/fitness studios and sports facilities; libraries, archives, museums and other cultural activities; travel agency, tour operator, reservation service and related activities; gambling at betting activities activities ng membership organizations.
Comments are closed.