Salubungin ang Chinese New Year

SA  taong 2024, gigising at darating ang natutulog na Dragon. Daratal ito sa araw ng Sabado, February 10, 2024 na magmamarka sa unang Bagong Buwan sa ating kalendaryo. Sumisimbulo ang dragon ng swerte, kapangyarihan at tagumpay. Sumaatin nawa ito.

Isang taunang festival sa China ang Chinese New Year, at dahil sa maganda nating pakikisama sa kanila ay nakikiisa tayo sa kanilang pagdiriwang, Umaabotng 15 araw ang kanilang pagdiriwang sa Binondo, ang Chinatown sa bansa, ngunit ang pagtatapos nito na siyang totoog araw ng Chinese New Year ang ating sinasabayan. Ngayong 2024, nagsimula ang selebrasyon noong January 21.

Ang dragon, isa sa pinakamaswerte at pinakamakapangyarihang hayop sa Chinese zodiac, ay naghihintay na sa darating na pagdiriwang. Sa Chinese Astrology, bawat taon ay kinakatawan ng isang hayop na associated sa isang elemento. Ngayong 2024, mayroon tayong wood dragon.

Pumapaloob dito ang kapangyarihan, nobility, karangalan, swerte at tagumpay. Tinatayang ang ay magdadala ng magagandang oportunidad, pagbabago at hamon. Kung isa ka sa mga nagnanais ng pagbabago sa iyong buhay, ang 2024 ay nag-aalay sa’yo ng pagkakataon.

Natural lamang na ang pinakamaswerteng Chinese zodiac sign ngayong taon ang dragon dahil ito nga ang ‘Year of the Wood Dragon.’ Kapag sinabing ‘lucky,’ hindi ibig sabihing tutunganga la lamang at maghihintay. Kailangan ding isabay ang swerte sa sipag at tiyaga. Ang swerte ay kaugnay ng blend of efforts at cosmic alignment, na magsisilbing gabay na magsasabi kung gaano kaepektibo ang iyong pagsisikap. Sa ganyang paraan, magiging madali ang pag-abot sa mga mithiin. Nangangako ang taong ito ng exciting possibilities at vibrant energy.

Bukod sa Dragon, nangunguna sa listahan ng suswertihin ang Daga (Rat), sa dami ng mga promising opportunities para magtagumpay. Daga ang showstopper ng 2024, lalo pa kung gagamitin niya ang kanyang talino, ambisyon, at tapang. Alam naman ninyo ang Daga, laging curious at adaptable sa lahat ng sitwasyon. Basically, sa laki ng dragon, may takot at respeto siya sa Daga kaya lagi silang magkasabay sa tagumpay.

Swerte rin ang mga baboy (Pig) na nakatakdang magtagumpay sa pag-ibig at katuparan nito. Baboy ang huli sa animal order pero ang mga taong isinilang sa pig sign, ay magkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng tsansa sa love and fulfillment, dahil mabubuksan ang pinto sa kanilang compassionate nature na magwawakas sa makahulugang koneksyon at Ligaya. Swerte rin sap era at iba pang magagandang oportunida.

Ang matalino at masayahing Unggoy (Monkey) naman ay may bubuksang potensyal para sa kanyang pagkamalikhain at self-expression, na magbubukas sa kanilang unexplored potential.

Kung gagamitin ng Monkey ang kanyang talino at husay s amabilis na pagpapasiya pati na ang kanyang adaptability na may kasamang dynamic energy, hindi mauubos ang oportunidad ngayong taong ito para sa professional at personal growth.

Aba, swerte rin ang Ahas (Snake) ngayong taon, kaya makakatanggap siya ng pagpapala sap ag-ibig, seriousness, profound reasoning, patience, at marami pang iba. Kumbaga, best buddy sya ng dragon kaya kasama siya sa progreso, development, at pagbabago. Career success sa buong taon ang maaasahan ng Snake.

Pwedeng asahan ng Tandang (Rooster) ngayong taon ang masayang pamilya at intellectual growth, kaya swerte siya sap ag-aaral at pagtanggap sa mga bagong ideya. Dahil sa impluwensya ng Dragon, lalago ang kanyang communication and negotiation skills, kaya magiging maayos ang pagsasabuhay ng mahahalagang partnerships. Sa Mayo, posileng makilala niya ang “The One” at ang financial benefits naman ay asahan sa August.

Sa mga Baka (Ox), promising naman ang career kung saan may steady progress na magreresulta sa promosyon. In other words, swerte sila sa pera ngayong taon. Pero hindi ito dahil sa impluwensya ng Dragon. Nagkataon lamang na masipag at matiisin ang Ox at nirerespeto ito ng Dragon.

Sinasabi mang swerte tayo ngayong taon, sipag at tiyaga pa rin ang talagang dapat asahan. Swerte ka man ngunit hindi mo alam kilalanin ang oportunidad, wala ring mangyayari.

At sa mga hindi raw maswerte ngayong taon, hindi ninyo dapat iasa sa kapalaran ang buhay. Kayo ang magpapasya sa inyong buhay, at sakaling may negatibong mangyari, kayang kaya ninyo itong lusutan. NLVN