KUWENTO ng buhay at pagbangon ang susunod na episode sa “Saludo,” isang isang lingguhang TV show sa PTV 4 kung saan binibig-yang-pugay ang mga hindi nakikilalang bayaning Filipino, pulis man o mga karaniwang mamamayan, mga #SimplengHero sa ating pamayanan.
Naranasan mo na bang mabuhay na punong-puno ng mga pagsubok, mga sandali sa iyong buhay kung saan paulit-ulit kang nalugmok, bumangon, nadapa at tumayo upang magbagong-buhay? At sa iyong muling pagbangon ay nabatid mong mayroon ka palang dahilan para mabuhay, at ito ay upang baguhin hindi lamang ang sarili mong buhay kundi pati na rin ang buhay ng ibang naligaw din ng landas na tulad mo?
Ito ang tututukan natin sa susunod na kabanata ng “Saludo,” sa darating ng Linggo, ika-3 ng Pebrero, mula 8pm hanggang 9pm sa PTV-4.
Saksihan ang kuwento ng buhay at pagbangon ni Recca Gonzalez, isang pastor na may maraming nakaraan sa kanyang buhay. Tuklasin kung paanong ginamit ng ating #SimplengHero na si Pastor Recca ang kanyang mga naging masaklap na karanasan sa buhay upang magligtas ng mga kalu-luwang naligaw ng landas at gabayan sila patungo sa tunay na pagbabago na kanilang inaasam.
Ang pinakabagong episode ng “Saludo” ay isang programang magpupugay-kamay sa kabayanihan ng ating mga #SimplengHero na kabilang sa ating #SimplengHeroUniverse, ang kuwento ni Pastor Recca Gonzalez.
Ang “Saludo” ay sa direksiyon ni Bahjo Cabauatan at Direk Onin Estrella ay isang produksiyon sa ilalim ni Leonora Sy, sa pakikipagtulungan ng PNP-Police Community Relations Group o PCRG sa pamumuno ni PNP C/Supt. Rhodel Sermonia.
Comments are closed.