December 17 ang birthday ni Veteran actress Gloria Romero at 91 years old na siya ngayon. Hindi na kalakasan at nasa wheelchair na, pero nakakausap pa ng maayos at kaya pang mag-celebrate kasama ang nag-iisang anak na si Maritess at mga dating kaibigan.
Ilan na lamang ang natitira sa kanyang mga kasabayan sa industriya, ngunit nananatili siyang masaya. At marahil, kung papayagan pa siya ng kanyang anak na gumawa ng pelikula, mas gugustuhin niyang mamatay na umaarte tulad ni Eddie Garcia.
Happy birthday po Madam Gloria Romero at sana ay maraming beses pa kayong mabati ng Pilipino Mirror ng Happy Birthday.