NAGBABADYANG pumasok ang sama ng panahon sa bansa habang magpapatuloy na magdadala ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao Region ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ipinarating ni DOST-Pagasa Weather Specialist Meno Mendoza na ang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 505 kilometers silangan timog-silangan ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Magdadala ito ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Mindanao at Visayas, subalit mababa umano ang tiyansa na maging ganap na bagyo.
Samantala, ang isa pang sama ng panahon ay namataan naman sa layong 2,115 kilometers silangan ng Mindanao.
Nabatid na dala ng tropical depression ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph. Posible itong papasok sa teritoryo ng Filipinas sa Lunes.
Samantala, dahil naman sa easterlies makararanas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan ang Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
Habang maaliwalas namang panahon ang aasahan sa Metro Manila at may posibilidad na magkaroon ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.