SAMA-SAMANG DRUG OPS NG PNP, IBA PA EPEKTIBO VS DRUG SYNDICATE

KUMPIYANSA si Philippine National Police (PNP) Director for Operations, PMaj. General Rhodel O. Sermonia na naging epektibo ang interoperability o sama-samang operasyon gayundin ang paggamit sa mga binuong programa ng pulisya kasama ang iba pang ahensiya ng bansa para labanan ang mga sindikato ng droga.

Sa kanyang talumpati sa dinaluhang seremonya para sa deployment ng narcotics detection dogs sa Manila Harbor Port Center Services, Tondo, Manila nitong Oktubre 22, naniniwala si Sermonia na iisa ang pagkilos ng lahat ng drug enforcement units sa PNP maging sa lahat ng ahensiya na ang mandato ay kampanya laban sa bawal na gamot.

“Partnership with various anti-illegal drugs councils should be revitalized and that the PNP should fully operationalize all existing Recovery and Wellness Program facilities, explore different means of collaboration for the delivery of after care services for illegal drugs personalities who surrendered and availed this life-changing program for the government to declare drug affected communities as drug cleared,” diin ni Sermonia.

Aniya, nararapat na palakasin pa sa iisang direksyon ang kampanya at programa laban sa droga at tiyak ang panalo rito na higit na mapakikinabangan ng mamamayang Pilipino.

“I called on all agencies involved in the government’s anti-illegal drugs campaign to revitalize interoperability capabilities and synergize all their programs to manifest conclusive and overwhelming success on war on drugs down to the grassroots level,” ayon sa heneral.

Kumbinsido rin si Sermonia na ang agresibong kampanya laban sa illegal drug at pagsawata rito ay magiging susi para makamit ang pangarap ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinis sa droga ang bansa sa kanyang pagbaba sa puwesto.

Para sa heneral iisa ang lipad ng operasyon ng PNP at unit nito na PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG), gayundin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at maging ang Philippine Port Authority (PPA) para lamang matuldukan ang operasyon ng drug syndicate sa bansa.

Hindi rin kinaligtaan ni Sermonia na purihin ang PNP-PDEG sa pamumuno ni PBrig. Gen. Remus Medina na tumunton sa illegal drug route o shabu trafficking flows sa bansa batay sa kanyang nakuhang mga impormasyon mula sa dating anti-drugs operations. Eunice Celario

175 thoughts on “SAMA-SAMANG DRUG OPS NG PNP, IBA PA EPEKTIBO VS DRUG SYNDICATE”

  1. 806201 808487Hey man, .This was an superb page for such a hard topic to talk about. I look forward to reading a lot of much more great posts like these. Thanks 908551

Comments are closed.