MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang humamon sa kanyang mga kritiko na magsama-samang magsagawa ng kilos-protesta sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa darating na Hulyo 23.
Sinabi ng Pangulo na papayagan niya ang mga ito na ilabas ang kanilang hinaing laban sa gobyerno at sa kabila nito ay aatasan niya ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance at iwasang makipaggirian sa mga raliyista.
Hindi rin pagdadalahin ng armas ang mga pulis na magbabantay sa mga militanteng grupo maliban sa baton at shield ng mga ito.
Binigyan-diin ni Duterte na handa niyang ideklara ang dalawang araw na holiday sa kanyang SONA para lahat ng may hinanakit sa pamahalaan ay makalabas at makapagprotesta.
“And if there are so many wise girls there, women, and itong mga opposition na mag-rally, of course you can go to rallies. Air your grievance. That is a constitutional guarantee. Seek redress, shout on the streets. Gusto ko nga magpista kayong lahat. I will declare the next two days as bakasyon time. So that all the people can go there during the SONA address at mag-demonstrate kayo doon. And I will tell the military and the police, exercise the maximum tolerance, umatras kayo nang umatras, ‘wag ninyo silang salubungin, paatras kayo nang paatras,” anang Pangulo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.