SAMAHAN NG BANGKERO INAYUDAHAN

LAGUNA – Inisyal na kapital na halagang P500,000 ang ipinagkaloob sa samahan ng United Boatmen Association sa bayan ng Pagsanjan kasunod ang isinagawang pormal na pagbubukas ng Bigasan ng mga ito Sabado ng hapon.

Pinangunahan ni Laguna Thursday Civic Club (LTCC) Chairman at kasalukuyang Chief Executive Officer (CEO) Areza Group of Companies Cezar Areza ang naturang programa kung saan naging panauhing pandangal ng mga ito si 1-Care Partylist Michael Rivera at iba pang opisyales.

Una rito, namahagi rin ang mga ito ng ayuda sa mahigit na 2,000 ng mga bangkero na magiging kapaki-pakinabang sa panahong ito ng pandemya.

Marami aniyang mamamayan sa lugar at karatig na mga bayan ng ika-apat na distrito ng lalawigan ng Laguna ang makikinabang sa inilunsad na pagbubukas na Bigasan dahil sa magandang uri at murang halaga, ani Areza.

Sa kasalukuyan, patuloy na umaasa umano ng tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ang libu libong bilang ng mga bangkero dahil nawalan ang mga ito ng pang alternatibong hanapbuhay mahigit dalawang taon na ang nakakaraan bunsod ng hindi inaasahang paghina ng turismo sa lugar.

Kaugnay nito, nakatuon aniya si Areza, kanyang mga kasamahan at kaibigan sa pangunahing programa ng mga ito ng maayos na pangkabuhayan o ang Livelihood Program para sa kapakanan ng maraming mamamayan ng bayan ng Pagsanjan.

“Malasakit at tulong sa kapwa hindi ang paninira ang kailangan ngayon ng napakaraming naghihirap na mamamayan sa bansa” dagdag pa ni Areza.DICK GARAY

One thought on “SAMAHAN NG BANGKERO INAYUDAHAN”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *