SAMAHAN NG MAGKAKATRABAHO, PAANO NGA BA MAPANANATILING MAGANDA AT MAAYOS?

MAGKAKATRABAHO-1

LAHAT tayo, may kanya-kanyang ugali. Mayroon din tayong sari­ling pagtinging sa bagay-bagay na kaiba sa mga kakilala natin, kaibigan, kapamilya at maging kasamahan sa trabaho. Iba-iba rin ang pinangga-li­ngan ng bawat isa sa atin at kina­lakihan kaya’t nangyayaring hindi rin nagkakasundo-sundo kung minsan.

Sa trabaho o pinagtatrabahuan, maraming maaaring mangyari—gulo, awayan, inggitan, asaran, agawan at kung ano-ano pa. Oo, talagang hindi na-wawala ang awayan o problema sa magkakasama sa trabaho. Gayunpaman, ang anumang samaan ng loob at problema ay maaaring solusyunan o mai-wasan, narito ang ilan sa mga pa­raan:

MAGING TOTOO SA SARILI AT SA KATRABAHO

Alam naman natin kung anong ugali mayroon tayo. Alam din natin kung kailan tayo nakagagawa ng pagkakamali. At higit sa lahat, alam na alam din natin kung kailan tayo nakasasakit ng kapwa. Kaya kung nakagawa tayo ng pagkakamali o nakasakit tayo ng kapwa, huwag tayong magbulag-bulagan at magbingi-bingihan. Solusyunan natin. Huwag tayong magpanggap na walang alam o walang ginawa.

Hindi natin kaila­ngang magpanggap lalo na sa opisina o sa ating mga katrabaho. Lahat ng pagpapanggap ay may katapusan. Mas mala­king prob-lema lang ang kahaharapin mo kung magpapanggap ka. Kung magpapanggap ka, hindi lamang din katrabaho mo ang niloloko mo kundi ang iyong sarili.

Kaya ang mas mai­nam gawin ay ang maging totoo ka sa iyong sarili at maging sa mga taong nakapalibot sa iyo. Mas madali ka ring tatanggapin ng mga katrabaho mo kung alam nilang totoong tao ang kausap, kasama o kaharap nila.

Higit sa lahat, ang pagiging totoo sa sarili at maging sa mga katrabaho ay isang susi upang mapanatili ang maganda at maayos na samahan sa trabaho at nang magkakatrabaho.

MAKIPAG-USAP NG MAAYOS AT MASINSINAN

MAGKAKATRABAHOKung mayroon mang solusyon ang bawat problema—sa opisina man iyan o sa relasyon ng pamilya, walang iba kundi ang pag-uusap ng masinsi-nan. Sakaling may nakatampuhan o nakasamaan ng loob sa mga kasamahan mo sa trabaho, huwag na huwag itong patatagalin. Bagkus ay pag-usapan ninyo kaagad ang problema nang ma­tuldukan.

Marami sa atin ang pinalilipas muna ang sama ng loob. Okey lang din namang palipasin ang sama ng loob ng bawat isa pero huwag namang paabutin ng ilang linggo, buwan o taon. Kasi, minsan kapag tumagal na, hindi na naibabalik ang da­ting samahan. Kumbaga, nalalamatan na. Sabihin mang nagkausap kayo’t nagkapatawaran, hindi pa rin totally nawawala iyong epekto nu’ng nangyaring tampuhan.

Kunsabagay, hindi naman lahat ay nawawala ng bigla-bigla. Panahon ang kailangan para tulu­yang mapawi o mabura ang sakit o markang dinulot ng pag-aaway o hindi pagkakasundo.

Pero sabihin mang hindi kaagad humuhupa ang kirot, napakaimportante pa rin ng maayos na pag-uusap.

Nagiging daan sa pagkakaayos ng magkakatrabaho ang pag-uusap ng maayos at masinsinan. Isang paraan din ito upang mapanatili ang maayos na samahan ng magkakatrabaho.

MAGING MAPAGMATIYAG SA PALIGID AT MGA KASAMAHAN SA TRABAHO

Matuto rin tayong maging sensitive sa mga sinasabi at iniisip natin. Pansinin din natin o maging mapagmatiyag din tayo sa mga nangyayari sa ating paligid o sa opisinang ating ginagalawan, gayundin sa ating mga kasamahan sa trabaho.

May ilang magkakatrabaho na walang pakialam sa isa’t isa. Basta’t nagagawa nila ang kani-kanilang trabaho, okey na sila.

Pero para ma-build ang magandang samahan ng magkakatrabaho, importante ring may pakialam tayo sa mga kasama natin. Kung kinakaila­ngang tulungan natin sila kapag nahihirapan sila lalong-lalo na sa trabaho huwag tayong magdalawang isip na mag-offer ng tulong.

Hindi puwedeng puro sarili lang natin ang ating iniisip. Mahalaga ring isipin natin ang ating mga kasamahan. Sa ganitong paraan din ay titibay ang inyong relasyon bilang magkakatrabaho. Masarap ding magkaroon ng katrabahong makakasundo mo at maituturing mong tunay na kaibigan.

Mahirap kung puro kaaway mo ang kasama mo sa trabaho, Hindi magiging matiwasay ang pananatili mo sa opisina at tiyak na hindi mo rin gaanong magagawa ang mga gawaing nakaatang sa iyo.

MAGKAROON NG TIWALA SA MGA KASAMAHAN SA TRABAHO

TRUSTImportanteng-importante rin para mapagtibay ang samahan ng magkakatrabaho kung mayroon kayong tiwala sa isa’t isa. Mahalaga ito sa matiwasay na pagtatrabaho.

Mahirap makuha ang tiwala ng isang tao. Hindi rin tayo agad-agad na nagtitiwala sa mga katrabaho natin. Laging pinaghihirapan ang tiwala. Gayun-paman, kung nakuha mo na ang tiwala ng mga kasamahan mo, huwag na huwag mong sasayangin. Kapag nalamatan ang tiwala, mahirap nang maibalik.

Maraming paraan upang mapanatiling maganda at maayos ang samahan ng bawat magkakatrabaho. Nasa sa atin ang mga paraang iyan. Nasa sa atin kung gagawin natin o hindi. Tayo ang may desisyon.

Pero tandaan, sa bawat opisina ay hindi nawawala ang problema sa trabaho at magkakatrabaho. Pero kahit na anong problema pa iyan, makatutulong ng malaki kung mag-uusap-usap ng maayos at mahinahon ang magkakatrabaho. (photos mula sa google) CT SARIGUMBA

Comments are closed.