SAMAHAN NG MAMAMAHAYAG SA CAVITE KINILALA NG POLICE PROVINCIAL OFFICE

KINILALA ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) sa pangunguna ni Provincial Chief, PCol Eleuterio Ricardo Jr. ang bawat mi­yembro ng Cavite Press Corps sa paghahatid ng walang humpay na balita sa taumbayan.

Nitong Lunes, Oktubre 14, 2024 sa Camp. Pataleon Garcia kasabay ng seremonya ng pagtataas ng Bandila ng Pilipinas ay iginawad ang sertipiko ng pagkilala sa bawat kasapi ng samahan ng mamamahayag na sinaksihan ng iba’t ibang yunit ng pulisya.

Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala ay sina Ross Calderon-GMA7, Gene Baldonado Adsuara-Abante / Abante Tonite, Ruel  Buenaventura Francisco-PIA Ca­vite, Vincent Emmanuel  Gofredo Octavio – BIG 101.5 FM, Benedict Supan Samson – UNTV Maria Cristina Go Timbang – Pilipino Star Ngayon, Margie Bautista – Remate, Irine Dominguez Gascon-Police Files Tonite, Ja­nice Barricuatro – Bulgar, Jimmy Parales Barrientos – The Southern Sparkle News, Sid Samaniego – PILIPINO Mirror, Jen Pareja Jandugan – Dwdd AFP Radio, Gaudencio Caparas Abrina Jr – Manila Times/Rappler, Domingo Benito Caoile – BantayBalita, at Bernard Jaudian Jr. – TV 5.

Ibinahagi ng Cavite PNP ang malaking tulong na nagagawa ng media sa hanay ng pulisya at taumbayan, kasunod ang pasasalamat nito sa paghahayag ng tunay na pagbabalita.

Sa kabila nito, nagpasalamat din ang grupo ng mamamahayag sa PNP  dahil sa patuloy na pagtitiwala at pagbibigay ng tamang impormasyon upang maihatid sa mamamayan ang de-kalidad na balita at tunay na pangyayari.

SID SAMANIEGO