SAMANTHA LO BINAWIAN NA NG KORONA

MAY valid reason kaya wala sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at sizzling bitsBb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Saeed sa One Love, One Kawit, fashion show na ginanap nitong November 23, 2019 sa harap ng Aguinaldo Shrine at isa sa mga project ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo bilang suporta sa local fashion designers ng bayan na nasasakupan niya.

Naghahanda na si Gazini para sa 68th Miss Universe na magaganap sa Atlanta, Georgia, USA sa December 8, 2019 samantalang nakalipad na si Resham sa Poland para sa coronation ng Miss Supranational 2019 na nakatakda sa December 6, 2019. In absentia sina Gazini Ganados (Miss Universe Philippines), Resham Saeed (Bb. Pilipinas Supranational), at Samantha Lo (Bb. Pilipinas Grand International) sa One Love, One Kawit fashion show last November 23.

Matatandaang na-deport sa Paris, France si Samantha Lo noong nakaraang buwan dahil fake ang Philippine passport niya. Nang tanungin ang naroroong beauty queens, sinagot ni Tiglao na hindi raw nila masasagot ito. Basing from the reactions of the reigning Bb. Pilipinas queens, obvious na may idea sila kung bakit hindi nila kasama si Samantha sa Kawit fashion show. May mga hearsay na malaki raw ang posibilidad na binawi na ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang korona at beauty title ni Samantha dahil sa mga pahayag nito laban sa organization nang ma-deport siya mula sa Paris, France.

Natuloy ang pagsali ni Samantha sa Miss Grand International na ginanap sa Venezuela noong October 25, 2019 pero natalo siya. Lumipad si Samantha sa Venezuela ng walang clearance mula sa BPCI.

SYLVIA SANCHEZ COMPOSED AT POISED NA SINAGOT ANG MGA LAITERA

SYLVIA Sanchez was repeatedly accused by the netizens that the picture she postedSYLVIA SANCHEZ showing the entire Atayde family having dinner with Maine Mendoza in a mall last November 17 was a fake. Heavily edited daw ang nai-post sa Twitter na nakikipag-dinner si Maine sa Atayde family.

Sylvia’s caption: Fun dinner last Sunday (heart eyes emoji) Sunday is famday (heart emoji) Ipinagdiinan ng kati-katerang bashers na isiningit lang daw ang picture ni Maine sa picture. Tweet pa ng isa, mali raw ang caption ni Sylvia tungkol sa family dinner dahil ang liwanag sa labas.

Idinagdag pa ng mahaderang basher: Huwag mong ipilit ang anak mo para lang sumikat. Mahusay naman kayong artista, ‘di ba? Sabagay tagal n’yo na, ngayon lang kayo napag-uusapan. U­SERS #ALDUBTimeForUs Another demonic netizen butted in:

Sa bawat edited post magkano kaya ang pera involved? MONEY is the root of EVIL. Kaya ang gumagawa nito kampon ng devil

Anyway, Sylvia was most consistent with her succinct answer to the ill-mannered bashers.

Check! Podium Las Flores 8:30pm Last Sunday, goodluck (heart eyes emoji).

Anyway, Sylvia’s bashers were obviously the AlDub followers of Maine and Alden. May of this year when Sylvia indirectly admitted that her son and Maine were an item.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr. And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.