LUMILITAW sa ginawang pag-aaral ng Pulse Asia na mas puno ng pag-asa ang mga Filipino sa pagpasok ng Taong 2020.
Sinasabing mas nakararaming Filipino ang nagsabi na tiwala sila sa mas magandang pagpasok ng bagong taon kaya haharapin nila ang taong 2020 na puno ng pag-asa.
Sa latest survey ng Pulse Asia, mayorya o umaabot sa 90 percent ng mga Filipino ang nagsabi na may pag-asa nilang sasalubungin ang Bagong Taon, habang 7 porsiyento naman ang nag-aalanganin o mga undecided.
Ang naitalang 93 percent hopefulness ngayong taon ay dalawang porsiyentong mas mataas pa kumpara noong Disyembre ng nakalipas na 2018.
Halos kalahati ng populasyon o 48 percent naman ng mga Filipino ang nagsabi na naniniwala silang magiging masagana ang pasok ng taon sa kanilang pamilya.
Habang nalalabing kalahati o 41 percent naman ang nagsabing maaaring pareho lang noong nakarang taon ang kanilang magiging pagsalubong sa bagong taon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.