SAMGYUPKING TIYAK NA MAGUGUSTUHAN NG PINOY STREET FOOD AT KOREAN SAMGYUPSAL LOVERS

SAMGYUPKING

(Ni CRIS GALIT)

LIKAS sa ating mga Pinoy ang kahiligang kumain – mapa-street food man iyan o ang binabalik-balikan at kinatatakaman ngayon – ang samg­yupsal!

Sa halos lahat ng Korean-inspired restaurant na samgyupsal na makita ko, hindi ko mawari ang dami ng taong pumipila para makakain.

SAMGYUPKING-2Sa Quezon City, nakakain ako sa Samgyupking Unlimited Korean BBQ. Kakaiba naman ang paandar nila rito dahil bukod sa authentic Korean samgyupsal, matitikman mo rin ang mga paborito nating street food tulad ng pork barbecue (regular at spicy), isaw (bituka ng manok at baboy), tenga ng baboy, adidas (chicken feet), pork skin, at longganisa.

Maganda at maluwag ang lugar na matatagpuan sa 4th Floor ng Fishermall. Mayroon itong 138 seating capacity at sadyang malalaki ang table para maka-accommodate ng pamilya, magbabarkada o anumang selebrasyon

Ano ang ipinagka­iba ng Samgyupking sa ibang Korean-inspired restaurant?

Ito ang mga dahilan kung bakit sila kakaiba.

SAMGYUPKING-3Una, mayroon itong automated barbecue skewer sa bawat table. Dito, makapagba-barbecue ka na, makapagluluto ka pa sa normal na griddle.

Pangalawa, bamboo charcoal ang gamit nilang uling para maluto ang mga karne.

Pangtalo, mara­ming variety ng skewered meat ang pagpipilian (pork, isaw, chicken, at longganisa). Mayroon din silang iba’t ibang “balls” – mula sa sal­mon, chic­ken, beef, squid, at fish balls. (Types of meats and balls might vary on a daily basis).

Bukod sa mga nabanggit, magugustuhan mo rin dito ang Buffalo Chicken Wings, Tempura, at spicy ramen soup.

SAMGYUPKING-4Pang-apat, may pa-welcome milk tea pa sila! Mamimili ka lamang ng isa mga flavor na available sa araw na gusto mong kumain – Thai, Taro, Okinawa at Hokkaido.

At siyempre, hindi mawawala ang iba’t ibang klase ng bulgogi ng Samgyupking: pork, spicy pork, beef at chicken. Kasama rin ang kimchi, sauces, eggs, at picked side dishes – na lahat ay fresh at exclusive lamang sa restaurant na ito.

‘Yung vegetables, local ang pinanggali­ngan samantalang ang mga karne, mahigpit nilang ina-acquire mula sa ibang bansa para mapanatili ang kalidad at consistency nito. Lahat ng kanilang ingredients ay authentic na galing pang Korea.

SAMGYUPKING-5Priced at P499/person, the busog and super –sulit factor of even the heartiest eaters will definitely be satisfied by Samgyupking.

Samgyupking offers a stress-free dining experience. It developed a good following in their Maginhawa and E. Rodriguez branches (outdoor locations). Here’s the last dining tip, repeat diners at Samgyupking will even be presented with a special dish off the menu! This will be their own special way of saying “Kamsahamnida” or Thank You.

Comments are closed.