SAMPAGUITA GAS-TO-POWER PROJECT IPINALALARGA NA

Rep-Lito-Atienza

UMAASA ang isang ranking leader ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng maayos na kasunduan sa pagitan ng Filipinas at ng China para maipagpatuloy na ang tinaguriang ‘Sampaguita Gas-to-Power Project’.

Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, mismong ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) ang nagpahayag na sa taong 2024 ay magsisimula nang bumaba ang produksiyon ng Malampaya Gas Field, na magreresulta sa pagbawas sa maisusuplay nitong natural gas para sa ilang power plants partikular sa Luzon region.

Kaya naman iginiit ni Atienza na ngayon pa lamang ay kinakailangan nang paghandaan ang nasabing senaryo at mapasimulan na ang nakabimbing isa pang ‘gas-to-power project’ ng bansa, partikular ang nadiskubreng mayaman din sa ‘natural gas deposit’ na Sampaguita gas field sa bahagi ng Recto Bank, na kabilang sa teritoryong inaangkin ng China. ROMER BUTUYAN

Comments are closed.