NAVOTAS CITY – ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalities ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na drug buy bust operation noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni NPD acting director Chief Supt. Gregorio Lim ang mga naarestong suspek na sina Sigred Lungay, 48, ng Kaunlaran Village, Brgy. NBBS, Dianne Manalo, 23, ng Libis Espina St, Brgy. 14 Caloocan city, Sonny Lambuson, 42, ng PNR Compound, Heroes Del 96 Samson Road, Caloocan, Darryl Osin, 42, ng Kaingin 1 Block 6 Brgy. Pansol, Quezon City, Brigido Membrillos, 28ng Brgy. Longos, Malabon City at Robert Ocampo, 23, ng Gen. San Miguel, Millionaires Village, Brgy 8 Caloocan City.
Ayon sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy bust operation kontra kina Lungay at Manalo sa Block 25, Lot 4 Phase 2 Area 4, Kaunlaran Village, Brgy. NBBS alas- 9:30 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober ng pulisya kay Lungay ang isang hand grenade habang ang 8 transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P42,000 market value ang halaga ay nakuha sa iba pang mga suspek.
Nauna rito, alas-8 ng gabi nang maaresto naman ng pinagsamang mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Navotas Maritime Police sina Israel Penaredona, 43, Christopher Jamero, 29, at Rolando Fuenteblanca, 43, sa isinagawang buy bust operation sa loob ng Navotas Fish Port, Brgy. North Bay Boulevard (NBBN).
Nakuha sa mga suspek ang 5 plastic sachets ng shabu habang si Ma. Cristina Jamero, 21, na tinangkang pakialaman ang operation ng mga pulis ay dinakip din at kinasuhan ng obstruction of justice. VICK TANES
Comments are closed.