SAMPUNG KASAPI NG DAULAH ISLAMIYAH NASAWI

army

MAGUINDANAO-SAMPUNG miyembro ng Dauwlah Islamiyah ang nasawi sa engkuwentro laban sa humigit kumulang sa 50 kasapi ng tero­ristang grupo sa area ng Barangay Penditen, Datu Salibo ng lalawigang ito.

Sa ulat ni Lt. Col. Dingdong Atilano, 6th Infantry Division spokesman, bandang alas-5:30 ng umaga nang magsagawa ng law enforcement operation ang mga kagawad ng 57th Infantry Battalion sa area ng Brgy. Penditen na kung saan ang target ay isang Daulah Islamiyah member sa ilalim ng Toraife  group na kinilalang si Hassan Indal.

Sinasabing nahirapan ang mga sundalo dahil dumami ng dumami ang mga kalaban na nasa vantage position habang ginagapang ng mga sundalo ang Tubigang Teerian dahilan para malagasan sila ng dalawang sundalo.

“Actually nalapitan ng tropa natin ‘yung target, siguro mga 20 meters na lang naunang pumutok ‘yung tropa natin, ‘yung dalawang, may dalawa kasing namatay roon sa tropa natin, ‘yung unang namatayan ‘yung kalaban, ang first burst du’n ang namatay apat ano tapos later on habang nag-eengkuwentro nadagdagan pa, umabot sa mga sampu ang mga namatay roon sa part ng BIFF at saka toraype group Daulah Islamiyah,” ani Atilano.

Tumagal ng halos anim na oras ang bakbakan na nagwakas dakong alas-11:30 ng tanghali . VERLIN RUIZ

Comments are closed.