Standings W L
Benilde 4 0
Mapua 3 1
San Beda 3 2
Perpetual 3 2
Letran 2 2
SSC-R 2 2
LPU 2 2
EAC 2 3
JRU 1 4
Arellano 0 4
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R
vs Arellano
2:30 p.m. – Benilde
vs Letran
DINISPATSA ng University of Perpetual Help Systems Dalta at San Beda ang magkahiwalay na katunggali upang magsosyo sa ikatlong puwesto sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nagpamalas ang Altas ng all-around performance mula kay prized rookie Mark Gojo Cruz tungo sa 73-67 panalo kontra Emilio Aguinaldo College.
Nagtala si Yukien Andrada ng double-double outing na 16 points at 10 rebounds para sa Red Lions na nakabawi mula sa disappointing loss sa Generals matapos ang 77-60 panalo kontra Jose Rizal University,
Umangat ang Perpetual at San Beda sa 3-2, na nanatiling nakadikit sa unbeaten College of Saint Benilde (4-0) at second-running Mapua (3-1).
Para kay coach Olsen Racela, ang much-needed win laban sa EAC ay nagsilbing testamento sa pagsisikap ng kanyang tropa sa buong 40 minuto.
“I told them the harder you work, the luckier you get. ‘Yun ‘yung nakalagay sa wall namin. I think ‘yung hard work nila paid off today,” sabi ni Racela, na ang Altas ay pinutol ang two-game losing skid.
“‘Yung effort nila defensively was definitely there, and it was a total team effort talaga. Pati ‘yung bench namin maganda ‘yung quality minutes na binigay nila.”
Nakakolekta si Gojo Cruz ng 18 points, 6 assists at 5 rebounds, habang nag-ambag si Christian Pagaran ng 15 points at 9 rebounds, at nagdagdag si Cedrick Abis ng 11 points para sa Perpetual.
Nahulog ang EAC sa 2-2.
Iskor:
Unang laro
Perpetual (73) – Gojo Cruz 18, Pagaran 15, Abis 11, Orgo 9, Boral 5, Gelsano 5, Montemayor 3, Nuñez 2, Pizarro 2, Sevilla 2, Cauguiran 1, Manuel 0, Movida 0.
EAC (67) – Gurtiza 17, Quinal 16, Oftana 15, Ochavo 4, Luciano 4, Umpad 4, Bagay 4, Angeles 2, Ednilag 1, Manacho 0, Doromal 0, Bacud 0, Loristo 0, Pagsanjan 0, Devara 0.
Quarterscores: 18-12, 33-28, 49-42, 73-67
Ikalawang laro
San Beda (77) – Andrada 16, Sajonia 14, Payosing 13, Puno 13, Tagle 9, Estacio 5, Songcuya 3, Celzo 2, Jalbuena 2, Gonzales 0, Royo 0, Tagala 0, Sollano 0, RC Calimag 0, Culduora 0.
JRU (60) – Argente 27, Raymundo 8, Mosqueda 7, Guiab 6, Sarmiento 4, Lozano 4, Barrera 2, Medina 2, Panapanaan 0, Ramos 0, De Jesus 0, De Leon 0, Pangilinan 0.
Quarterscores: 16-14, 46-22, 63-45, 77-60