SAN BEDA WINALIS ANG LETRAN

Standings W L
*Letran 12 4
*Benilde 11 4
*LPU 12 5
*San Beda 11 5
Arellano 7 9
Perpetual 7 10
SSC-R 6 9
JRU 6 10
Mapua 6 10
EAC 2 14
*Final Four

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Perpetual vs SSC-R
3 p.m. – Benilde vs LPU

NAKUMPLETO ng San Beda ang elimination round head-to-head sweep sa defending champion Letran sa 91-77 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Pinutol ng Red Lions ang nine-game winning streak ng Knights. “Tired, but sulit,” wika ni San Beda rookie coach Yuri Escueta makaraang umangat sa 2-0 kontra Letran.

Nauna rito ay naiganti ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang first round defeat sa also-ran Jose Rizal University sa 79-62 panalo upang mapalakas ang kanilang kampanya para sa twice-to-beat bonus sa Final Four.

Matapos ang kanyang 30-point explosion sa naunang laro, si Enoch Valdez ay tumipa ng 21 points para sa Pirates na hinila ang winning run sa apat na laro.

May 12-5 record, ang LPU ay nanatiling nakabuntot sa College of Saint Benilde, na tinapos ang 20-year Final Four drought noong Martes, sa karera para sa No. 2 ranking sa Final Four. Ang Blazers ay may 11-4 kartada.

Umangat ang Red Lions sa 11-5 kartada, habang nahulog ang league-leading Knights sa 12-4.

“With due respect to Letran and to the coaches, we wanted to get this win more for us to better our standing in the Final Four. Naglalaban kami sa top two spot,” sabi ni Escueta. “We just taking it one game at a time.”

Naitala ni James Kwekuteye ang 12 sa kanyang 19 points mula sa arc at nakalikom ng 7 rebounds at 2 assists habang humataw si Damie Cuntapay ng apat na triples upang tumapos na may 16 points para sa San Beda, na umabante ng hanggang 22 points.

Iskor:
Unang laro:
LPU (79) — Valdez 21, Vinoya 11, Barba 10, Umali 9, Guadaña 9, Peñafiel 6, Larupay 5, Garro 3, Aviles 3, Montaño 2, Cunanan 0, Villegas 0, Bravo 0, Culanay 0, Omandac 0.
JRU (62) — Tan 12, Dela Rosa 11, Dionisio 8, Guiab 7, Medina 6, Mercado 5, Miranda 4, Abaoag 3, Arenal 2, De Jesus 2, Joson 2, Villarin 0.
QS: 22-14, 41-33, 57-45, 79-62

Ikalawang laro:
San Beda (91) — Kwekuteye 19, Cuntapay 16, Andrada 15, Bahio 10, Cometa 10, Ynot 8, Cortez 5, Sanchez 3, Alfaro 3, Visser 2, Jopia 0, Payosing 0.
Letran (77) — Caralipio 14, Reyson 11, Yu 10, Sangalang 8, Paraiso 8, Guarino 8, Monje 6, Olivario 5, Ariar 3, Javillonar 2, Tolentino 2, Go 0, Santos 0.
QS: 22-19, 50-33, 71-52, 91-77.