SAN FERNANDO CITY ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

LA UNION- ISINAILALIM nitong Enero 19 sa State of Calamity ang lungsod ng San Fernando bilang tugon sa sunog na tumupok sa wet market nitong Enero 11 sa lalawigang ito.

Idineklara ng Konseho ng Lungsod ang state of calamity sa panahon ng isang espesyal na sesyon na nagbibigay daan para sa mabilis na pagkilos upang magbigay ng tulong sa mga apektadong negosyo at mapabilis ang mga clearing operation para sa pagtatayo ng isang bagong merkado.

Bumuo na ng team ang Bureau of Fire Protection (BFP) La Union na mag-iimbestiga ng masinsinan sa naturang insidente.

Tinatayang nasa P203 milyon ang pinsala sa ekonomiya at pag-unlad at P90 milyon sa imprastraktura ang naapektuhan sa insidente.
EVELYN GARCIA