SAN JOSE DEL MONTE PINAKABAGONG GOWIFI CITY SA BULACAN

GOWIFI CITY

KILALA bilang unang opisyal na idineklarang lungsod ng lalawigan ng Bulacan, ang San Jose Del Monte (SJDM) ay magkakaroon na ng internet connection na mas mabilis at libre.

Sa libreng internet na hatid ng GoWiFi services ng Globe, ang lungsod ng mahigit sa kalahating milyong constituents ay higit na makapag-e-enjoy sa kanilang mga paboritong content at online activities sa kani-kanilang mga komunidad.

Ito ay nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan kamakailan sa Activity Center ng San Jose Del Monte. Ang seremonya ay dinaluhan nina Albert De Larrazabal, Chief Commercial Officer ng Globe, at  San Jose Del Monte Mayor Arthur Robes, at sinaksihan ng  iba pang Globe executives at local government officials.

Kasunod ng formal partnership, ang libre at high-quality connectivity na kaloob ng GoWiFi ay ­maaaring ma-access sa mga piling pampublikong lugar sa lungsod tulad ng Municipal Hall ng San Jose Del Monte, San Jose Del Monte Public Market, Ospital ng San Jose Del Monte, at City College of San Jose Del Monte. Ang  GoWiFi services ay available din sa SM City SJDM, Qualimed Altaraza, at iba pang  educational institutions gaya ng Bulacan State University, Sarmiento Campus, First Providential College, at La Concepcion College.

Patuloy ang expansion plans sa buong bansa ng GoWiFi, ang pinakamalaking WiFi service sa bansa, partikular sa high-traffic areas gaya ng  malls, hospitals, at schools, upang maging accessible at abot-kaya sa mas maraming Filipino ang high-quality internet connection.

Hanggang sa first half ng taon, ang serbisyo ay magagamit sa 2,700 lugar sa buong bansa.

Ang GoWiFi services ay available sa regular (free) GoWiFi at premium (paid) GoWiFi Auto, at sa lahat ng  users na may anumang WiFi-enabled device anuman ang network service provider.  Upang makakonekta sa Free GoWiFi, buksan lamang ang Wi-Fi-enabled device’s WiFi settings, kumonekta sa SSID ‘@FreeGoWiFi’ o ‘@<site>_FreeGoWiFi’, magrehistro at hintayin ang SMS verification code, pagkatapos ay pumili sa WiFi offer, kumpirmahin at simulan ang surfing.

Bilang bonus, ang Globe Prepaid & TM customers ay makagagamit ng 1GB ng libreng GoWiFi para sa bawat registration ng GoSAKTO, GoSURF & EasySURF na nagkakahalaga ng P50 at pataas na magagamit nila sa anumang GoWiFi hotspot! Ang Globe Prepaid GoSAKTO90 users ay makagagamit naman ng 1GB free GoWiFi access bukod sa 2GB mobile data, 2GB para sa  GoWATCH&PLAY, 1 GCash voucher, at unlimited all net texts sa loob ng 7 araw para sa halagang P90 lamang.

Comments are closed.